Ariesselle's POV
Argh! Paano ba to?! Paano ko gagawin to? Grr.
"Kuya Drei!!" pagkapasok ko sa loob ng living room, nakita ko siyang nanlalaki ang mata at nakanganga. Ay, nasobrahan ata ako.
"Ano ba yan, kapatid! Nagulantang ako! Tinimingan mo pang nanunuod ako ng 'Drag Me To Hell' dito! Akala ko tinawag ako ng bidang babae!"
"Ahw. Pasensya, kuya. Magpatulong ako."
"Aba saan? May nililigawan ka na ba?"
"Ungeks! Babae ako noh! Sa Eng poem ko. Kelangan naming i-act yan, pwedeng ikaw pagpractisan ko?"
"Ano bang gagawin ko?"
"Wala. Nakaupo ka lang. Mas gusto ko kasi na may iniisip ako na pinagsasabihan, e."
"Uy, sali ako dyan!" napatingin naman kami ni Kuya Drei sa pinto. Si Kuya Ae pala.
"Akin na yung kopya," kinuha niya yung kopya at umupo sa tabi ni Kuya Drei.
"Ako titingin kung memorize mo na. Sige, start na."
Huminga ako ng malalim at nagsimula na.
"Bunso, gawin mong parang galit yung mood. Yung parang pinaparinggan mo yung kaaway mo at galit na galit ka sa kanya para mas ma-feel ng audience yung poem."
"E wala naman akong kagalit, Kuya Ae, e."
"Sino bang kinaiinisan mong character or tao or anichara? Isipin mo, siya kinakausap mo."
Sino bang pinakaayaw ko? Amp.. Wala naman e!
"Lahat ng chara gusto ko, kuya!"
"Talaga? Kahit si Tanya?"
Napataas naman yung kilay ko. Siya yung isip-ewan na may gusto kay Kuya Drei. Naging kaklase ko yun nung middle school at lagi akong sinisiraan nun! Ang kapal nga e, kung ano-ano pinagsasabi sakin porke't di ko siya tinulungan para makalapit kay Kuya Drei. Tapos pati si Rein e binu-bully niya! Eesh.
"O yan, bunso. Isipin mo na si Drei si Tanya."
"Ampanget, kuya. Di ko maimagine."
"Kung kay Drei di mo maimagine, paano na lang yung ibang manunuod? Concentrate, bunso."
"Oo nga, maniwala ka kay Kuya Ae, kapatid. Alam mo namang expert yan sa pag-aarte e. :D"
"Ugok ka!" binatukan ni Kuya Ae si Kuya Drei, "O! Dali na!"
Nagconcentrate ako at isinalaysay na ang tula. X)
"O ano? Ayos ba?"
"Ayos! Kelan ipe-perform yan?"
"Wednesday. 1 to 3pm, bakit?"
"Sayang. May klase ako hanggang 4.30. E ikaw, Kuya Ae?"
"Hanggang 6 pa klase ko e. Di ka namin mapapanuod, bunso. Sayang naman."
"Ang uuber niyo ah! Sige, mga kuya, aakyat na ako at aayusin ko muna mga gamit ko."
Inayos ko na yung mga gamit ko para sa Wed. Sa totoo lang, yung outfit ko para sa English e di ko alam kung sakto talaga para sa poem ko.
Nung tinanong ko kasi si Sir, sabi niya, gumawa daw ako ng sariling mood para sa poem. Kung ano dawnaintindihan ko, ganun ko raw iinterpret. Kapag daw ginaya ko yung ibang nagperform na noon, mawawalan ako ng 5 points. Yun pala ang 5 points na di niya sinabi sa'min. Originality.
Hay. Kaya eto, ang pinili kong suotin e isang gray casual dress. Hanggang mid-thigh ko lang to at medyo fitting. Ang iniisip ko kasi e parang ang gustong iparating nung poem e kahit ano pang sabihin o isipin ng iba, magrrise pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...