Ariesselle's POV
"Sino ba yang ka-text mo at kanina ka pa busy dyan?" tanong ni Kuya Drei.
Well, ka-text ko si Drew pero alam ko namang pagnakita nila Liz phone ko e magtataka yun kaya chinange ko pangalan niya. Ginawa kong Andy.
"Kaibigan ko, kuya," pagkasabi ko nun, huminto yung kotse.
Napakunot noo ako. Wala pa nga kami sa school, ah?
"Kuya, na-flatan ba tayo?"
"Hinde," lumabas ng kotse si Kuya Drei tapos lumapit dun sa lalakeng nakatayo sa may white na toyota car sa harap namin.
Sus naman. Ngayon pa napiling tumulong sa kapwa?
Lumabas ako ng kotse dahil alam ko namang matatagalan pa si kuya dun. Geez, baket kasi di marunong magpalit ng gulong yung lalakeng yun? Tss.
Tinanggal ko yung sneakers ko at ginamit para gawing upuan ko. Nasa may sidewalk lang ako nakaupo. Tinignan ko yung watch ko. Late lang naman ako ng 15 minutes. Haaay.
Tapos na ang exams at kelangan lang namin pumunta ng school para sa finishing touches ng booth namin at para sa play namin. Kaya eto, naka-white shirt with domo na printings, fitting jeans at sneakers lang ako pero ngayon, naka-paa na lang.
"I'm sorry," napaangat ang ulo ko. Nakatayo sa harap ko yung may ari ng kotse.
He scratched his head and gave a small smile, "Sorry 'cause I dunno how to change tires and for causing you guys trouble."
"Ah, its okay. No worries," I smiled. Umupo naman siya sa tabi ko. Nung tinignan ko siya...
"Oh, its you again," sabi niya then smiled.
Ano to? Joke ng fate? Yung lalake sa Ed's at mcdo. Siya yun.
"Is this some kind of a joke?"
Tumawa naman siya. May nasabi ba ko?
"Tawa ka pa. Di kaya nakakatawa sinabi ko," sabi ko. Di niya naman maiintindihan, diba? Mukhang foreigner to e.
"Nakakatawa kaya," sabi niya habang nakangiti.
Nanlaki ang mga mata ko tapos napatayo ng di oras. Napatalon ako nung tumama yung paa ko sa semento. Ang inet!
"Aray ko," dali dali kong sinuot yung sneakers ko.
"Ikaw kasi e. Nagtatagalog ka pala?! Nauubos english ko sa'yo!"
Tumayo naman din siya at pinipigilang tumawa.
"Ikaw lang naman nag-assume nun e. Pilipino ako."
"E um-English ka e! Malay ko ba noh," pinagpag ko na yung pantalon ko.
"Pasensya na. Dylan Hythe," he extended his hand.
"Ariesselle Francisco," I took his hand.
"Uhm, bro, tapos na," sabi ni Kuya Drei. Idol talaga to e. Matulungin, mabait naman, gwapo at may pagka-kengkoy, baket kaya wala pa tong gerpren.
"Thank you po. Sorry sa disturbo."
"No worries. Sige, una na kami, ah? Andrei Francisco."
"Dylan Hythe," they shook hands.
"Thank you ulit, Andrei. Sige, Elle," ngumiti siya at nagdiretso sa kotse niya.
Pumasok na ko sa kotse. Ganun din si Kuya Drei.
"Naks, Elle daw. Close na agad?"
"Shut up, kuya."
"Shut up daw e namumula ka na nga dyan."
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...