Rachelle's POV
Nakakasabi ng bad words ah. Ang usapan 10 am kami magkikita. 11.15 na eh hindi pa siya dumadating. Nakakainis!
"Kumain ka na. Kanina ka pa naghihintay dyan," umupo siya sa chair na kaharap ko pagka lapag nung fries and coke float sa table.
"Tristan, I'm fine. I'll eat pag dumating na siya."
"E anong oras pa yun dadating? 1 hour and 15 minutes ka ng naghihintay. Pwede ba, Rachelle. Pride naman. Wag ka ng umasa dun sa gag* mong boyfriend!"
Pagkasabi niya nun e tumayo na siya para umalis.
Argh. Kainis ka, Drew. Nasan ka na ba?!
I texted him.
To: Drew
wer d hell r you?!
*bzzt bzzt*
From: Drew
sorry. sumthin came up d ako mkkrating.
Sht talaga. Habang tumatagal mas dumadami yung excuses niya. Argh! Ano nanamang nangyari ngayon?! Sht talaga. Gusto ko ng baliktarin tong table. Psh.
From: Cassandra
hey, rach! I saw ur boyfriend kanina sa flower shop bumibili ng roses. did he give it to u? gosh. so sweet ah! ü
What the! At kanino niya ibibigay yun? Kay Aries?! Syett siya. E ni minsan hindi niya nga ako nabigyan ng roses, tapos etong babaeng to na akala mo kung sino e bibigyan niya? Ako tong girlfriend niya pero yung iba inaalala niya?! What the hell.
To: Cassandra
No. He didn't. And I'm guessing sa isang tao n itgo ntin sa pnglang Aries niya un ibbgay. Tnx for the info.
Nilagay ko yung ilang bill sa table at kinuha na yung clutch bag ko and stood up.
"Aalis ka na?"
Napalingon ako kay Tristan. Nasa may counter siya.
"Yeah, wala naman akong gagawin dito kaya aalis na ako. Iniwan ko na yung bayad sa table."
Napatingin naman siya sa table at napa-sigh.
"Hindi mo man lang kinain yung bigay ko."
"Hindi ako gutom e ibigay mo na lang sa iba o itapon mo. Sige, Tristan," aalis na sana ako.
"Rach.."
"What?!" I said. Iritang-irita na ako. Sobrang kahihiyan na ang natatanggap ko.
"Sorry dun sa sinabi ko kanina."
"Its okay. Sanay na ako."
He flinched, "Wait. Asan yung boyfriend mo?"
"Ayun. Baka pinuntahan yung isa niya pang girlfriend-kuno. Ariesselle Neil Francisco."
"Sila ba?"
"I told you diba, ex niya na yun. Pero ayun, lumalandi pa rin. Kainis ah. Masyado ng nagiging kaagaw yun. Feeling niya naman pwede siyang ikumpara sa'kin."
"Hindi mo kaagaw yun. Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano dyan."
"Hindi nga ba, Tristan?" tinignan ko siyang mabuti. Iniwas niya lang ang tingin niya sa akin.
"Sige, aalis na ako," lumabas na ako ng Ed's at pumunta sa parking lot.
Ano bang meron sa Ariesselle na yan at lahat na lang na sa akin e kinukuha niya?
Hannah's POV
"Hannah, andyan si Alvin sa baba. Sosyal ka ah, gwapo manliligaw mo," sabi ng pinsan ko.
"Lol. Sira lang yang mata mo kaya akala mo gwapo yun."
"Sus. Kung di lang kita pinsan, inagaw ko na yun sayo. Anyway, tama na ang pagpapaganda dyan. Maganda ka na masyado. Bumaba ka na at kinikilig na yung kapatid mo dun," tumawa siya at lumabas na ng kwarto.
Napangiti ako at sinuklayan ko na ang buhok ko for the last time tapos nagwisik wisik muna ng cologne at bumaba na.
Pagkababa ko, nakita ko siyang kausap yung nakababata kong kapatid na babae at mukhang enjoy na enjoy yung kapatid ko. Obvious na crush si Vintot ko. Ko? Kahiya ka, Hannah.
"Uy, tama na pagtawa, Honey! Mauubusan ka na ng hininga dyan."
"Inggit ka lang, ate," pang-aasar niya. Ngumiti lang si Vintot.
Di ko na lang pinansin at umupo na sa sofa at tinignan si Vintot.
"Anong ginagawa mo rito? Miss mo na ako noh?" pang-aasar ko.
"Asa ka. Ka-miss miss ka ba? Si Honey kaya pinunta ko rito," sabi niya at ginulo ang magulong buhok ng kapatid ko.Namula naman tong kapatid ko. Naku, ineng. Katorse ka palang, wag munang lumandey. Ako na muna!
"Ah, okay," tumayo ako at nagdiretso sa mesa.
Kainis yun, nagsuklay pa ako ng labing limang beses at nag-wisik pa ng aking peyborit na cologne para lang maganda ako sa paningin niya tapos yung kapatid ko pinunta niya dito? Nasan na ang hustiya, diba?! Ang OA ko lang.
Kinuha ko mula sa fridge yung brownies na dinaan ni prend Aries. Gawa niya daw kaya namigay. Loka talaga yun, e nilagnat nga nung Friday tapos ngayon naman pinapagod sarili niya.
Kinuha ko rin yung pitcher ng juice tsaka baso na rin. Tapos naupo na rin. Anong akala niyo, isshare ko kay Vintot to? No waaay.
"Uy Aki, selos," sabi niya na may malaking ngiti sa labi habang umuupo sa kaharap na silya.
Ayoko siyang kausapin kaya sinubo ko yung isang buong brownie.
"Ehwrn ke sheyo," sabi ko.
"Ang cute mo pala pag puno ang bibig mo."
Bigla na lang akong nabilaukan. Inabutan niya naman agad ako ng juice.
"Vintot, bawal magsinungaling sa harap ng pagkain. Hindi ako cute. Maganda lang," natawa ako sa sarili kong joke. Kaloka. Nalimutan ko ang table manners na tinuro sa amin nung sophomore pa ko.
"Oo na, maganda ka na."
"Ayeeeh, inamin! Inggit ka na maganda ako noh? Wahaha. Donchawori, lagyan ka lang ng konting make up e pwede na. Maganda ka na nam--"
Bigla niyang isinubo yung buong brownie sa nakanganga kong bibig. Lenye. Pinalo ko agad yung kamay niya. Tumawa lang siya habang nginunguya ko yung brownie. Kainis to.Medyo nag-lean siya ng konti tapos may tinanggal sa gilid ng labi ko. Ewan ko kung bakit pero sa simple gesture niyang yun, bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko. Kenes.
"Ang cute pala ng labi mo noh?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napasinghap na siyang dahilan para maubo ako.
Tumawa naman siya. Pag sinagot ko tong panget na to, imbes tulungan ako e pagtatawanan pa ko. Kenes talaga.
Umayos na ako at ininom yung juice kanina at sumeryoso. Meron akong tanong na matagal ng bumabag sa aking isipan. Ang deep nun!
"Vintot?"
"Hmm?" sagot niya habang ngumunguya.
"May naging girlfriend ka na ba dati?"
Pagkatanong ko nun, bigla naman siyang nabilaukan. Isang sign na tama nga ako.Kapag kasi tinatanong ko kay Aries yan, sasabihin niyang oo pero kapag tinatanong ko siya kung anong dahilan ng break up, lagi niyang iniiba yung usapan. So naisip ko, si Vintot na lang tatanungin.
"Ano ba yang mga tanong mo," ininom niya yung juice niya saka siya tumayo at papunta na sa pinto.
"Mahal mo pa rin ba siya, Alvin? Naka-move on ka na ba?"
Napahinto siya pero nakatalikod pa rin sa akin.
"Liligawan ba kita kung mahal ko pa siya?" sagot niya saka pinagpatuloy ang paglalakad niya.
E bakit hindi ko ramdam? Bakit sinasabi ng utak ko na mahal mo pa rin yun? Dapat ba akong maniwala na gusto mo ako?
Pero kung totoo mang gusto niya talaga ako... malaki ang pagkakaiba ng LIKE from LOVE.
At ang nakakainis pa dun, yung pangalawa pa yung nararamdaman ko.
--
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...