Chapter 70

3.5K 53 0
                                    

Allen's POV

Nasa loob na kami reception room ng hotel. Mamaya pa naman ang assembly kaya umupo muna kami dito sa loob.

Napabuga ako ng hangin. Kinakabahan na ako.

"Hey! What are you so nervous about?"

"Argh. Gagawin ko ba?"

Binatukan ba naman ako.

"Ano ba! Magugulo tong buhok kong may gel!"

"As if. Tss. You're afraid na nililigawan na siya nung Dylan, right? So stupid, Allen! If you like her, court her! Argh."

"Ano bang pinuputok ng butsi mo dyan! Para ka namang ate ng liligawan ko."

"E kasi you're being torpe. Jeez. You court her na kaya. Kung di mo yan ginawa, I'll make sure na mapupunta yang si Aries sa cousin ko, okay?"

"Oo na! Gagawin na!"

"Pero teka, ikaw ba, pinapansin na siya? Grabe ka talaga. You struck me with that 'words of wisdom' of yours para tumino ako pero you can't use it naman para tumino ka."

"E sa nagseselos ako."

She rolled her eyes, "If this is a normal night, I might kill you. Dumb! You have no reason to be jealous coz in the first place, you're just a FRIEND."

"Aray. Ang sakit na ng mga sinasabi mo ah. Bakit ka ba inis na inis ngayon? Meron ka ba?"

She closed her eyes and muttered something under her breath. Pagkabukas niya ng mata, parang gusto niya na akong kainin.

"Argh!"

Tumayo siya tapos hawak hawak yung skirt ng gown niya na sa sobrang haba e mukha ng ikakasal.

Aish. Ano ba kasing nangyayari sakin at masyado akong kinakabahan e magtatapat lang naman ako. Haaay. Ganito para kahirap mag-confess at magtanong kung pwedeng manligaw.

Ariesselle's POV

"Ayan! Perfect ka na!"

Pinasuot nila yung bouvier shoes sakin tapos pinatayo ako.

Hindi heavy make up ang ginawa nila. Light lang pero may makapal na eyeliner lang. Tapos hindi naman ako napuno ng jewelries. Bangles, necklace and earings lang yung naging main jewelries. Yung buhok ko naman e naka loose curls pero ang pinakagusto ko sa lahat yung kulay ng lipstick ko. Scarlet.

Inispray nila yung D&G perfume sa akin at inabot yung evening bag ko.

Maganda ako ngayon. They took a couple of pics tapos pinababa na ako. Naghihintay na sakin sina Enzo dun sa living room.

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon