Chapter 39

3.9K 70 0
                                    

Allen's POV

Maaga akong pumunta ng school. Medyo may pasa pa nga ako e pero di naman ganun ka-grabe. May sugat pa rin ako dun sa kaliwang kilay ko at sa baba ng labi ko pero all in all *ehem* gwapo *ehem* pa rin.

"Pareng Allen! Tat--" napatingin sina Carl, Luke, Enzo, Liz at Ria sa'kin. Kelan pa sila namangha sa ka-gwapuhan ko?

"Oy, Allen, anyare sa mukha mo?"

"Kelan pa nagkaganyan yan?"

"Onga. Maayos-ayos pa naman mukha mo nung umalis kame ah?"

"Dami niyong tanong. Maupo na nga kayo at magreview," sabi ko na lang pero nakatingin pa rin sila sa akin.

"Aloha, people!" Napatingin kami kay Destiny. Tss. Alam ko namang may nangyaring maganda dyan.

Bulag at manhid. Inirapan ko na lang siya tapos lumapit siya sakin.

"PEETEE!"

"Tss. Wag mo ko kausapin."

"Allen, galit ka pa rin saken?"

"Baket magagalit si Allen sa'yo, mare?"

"Wag mong sabihin na ikaw may gawa kay Allen nyan?"

Binatukan ni Luke si Carl.

"May pagka-amazona man yang si Aries, hindi naman nya basagulero."

"Tama na nga kayo. Upo na tayo, andito na yung proctor maya-maya," sabi ni Liz. Nakakunot noo siya at alam kong may na-se-sense yan.

"Opo, opo," umupo na sila sa kanya-kanyang assigned seat. Si Destiny naman, umupo sa tabi ko.

"Allen... Huy!" tinulak ba naman ako?!

"Ano ba? Tss."

"Wag ka ng magtampururut dyan. Di bagay."

"Bat naman ako magtatampo?"

"Wala lang. Basta, wag ka ng magalit sa akin ah. Pansinin mo na ako."

"Ewan ko sayo."

***

Nung natapos na yung exam, pababa na sana ako ng stairs ng pigilan niya ako.

"Allen, sorry na. Wag ka na magalit sa akin."

"Ewan ko sayo."

"Allen naman e. Sige na, wag ka ng magalit. Ililibre kita," hinila niya ako pababa ng stairs. Nakasalubong pa nga kami nina Drew pero di lang kami pinansin. So... di talaga sila nagkabalikan?

Nakahinga ako ng maluwag tapos ako na humawak sa kamay niya at nagdala sa kanya papuntang parking.

"Teka, may susundo sayo ngayon?"

"Wala. Sabi ko kay kuya sayo ako sasabay."

"Wow. E pano pag di mo ako nahabol?"

"Edi di ako uuwi."

Ginulo ko buhok niya, "Sira. Tara dun sa mcdo. Dun mo ko ilibre."

"Oke," sumakay na kami sa kotse. Nagdrive na ko palabas ng school.

***

"Ako ng pipila. Ikaw na maghanap ng upuan."

"Diba ako manlilibre? Ako na pipila."

"Wag na. Ako na lang manlilibre."

"Ang usapan ako manlilibre."

Nagtatalo pa kaming dalawa nun tapos kami na pala.

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon