Chapter 30

4.6K 72 1
                                    

Ariesselle's POV

"Salamat sa lunch, Nanay Isah. Sarap talaga nun. At salamat sa pag-asekaso, Arie! Mahal na talaga kita!"

"Oy, may Luke ka na! Teka, magkikita ba kayo nun?"

"Hinde. May di kami pagkakaunawaan e."

"Naks naman! Straight yun ah!"

"Sige! Asarin mo pa ko. Unsupportive na nga si Liezel, pati ikaw rin."

"Joke lang. Bakit naman kayo may tampuhan?"

"Ay. Over small matters lang naman. Nakita niya ako kausap si Kirb kahapon, kaya ayun, nagalit. Nag-entertain pa rin daw kasi ako."

"E alam mo namang mainit dugo ni Luke kay Kirb."

"Dapat magtanong muna siya before jumping into conclusions, diba? Anyway, it's 3pm na. I have to go."

"Susunduin ka ba?"

"Yep. Pero sa labas na ko ng subd maghihintay. Hatid mo ko."

"Kaya mo na yan."

"Arie. Sige na, please?"

Tumayo na ako. Mawala pa tong si Ria, naku! Patay ako kay Tito!

Inihatid ko na siya palabas ng subd. Naghintay kami sa waiting shed habang hindi pa dumadating yung driver nina Ria.

Habang naghihintay kami, may nag-stop naman na cab sa harap ng gate ng subdivision. Lumabas yung babaeng sakay at yung driver para tulungan yung babae sa mga bitbit niya. Ang dami naman nyan! Binili na ba niya buong laman ng mga boutique sa mall?

Tinulungan ni Manong Guard yung babae para ilagay lahat ng pinamili niya sa waiting shed. Kaya kaya niyang bitbitin lahat yan pauwi? O.o

"Rie, andyan na driver namin. Sige, bye! Salamat sa paghatid," she gave me a quick hug tapos tumakbo na palabas ng subdivision.

"Ingat!" napaupo ulit ako sa waiting shed.

Napatingin ako dun sa babae kanina. Mga nasa late 30s na siguro siya pero maganda pa rin. Artistahin e. May tinatawagan siya pero di naman sinasagot. Kanina niya pa kasi siya nag-ddial doon e. At mukhang naiinis na siya.

"Ma'am, gusto ko man kayo tulungan e di pwede. Ako lang po naka-duty na guard ngayon e."

"Okay lang yun. Hinihintay ko anak ko e, kainis talaga yun. Ang tamad!"

Wala namang masama kung tutulong ako, diba?

"Ma'am, gusto niyo po ako na lang?"

"Naku, hija. Sa dami nito di natin ito kaya."

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon