Rachelle's POV
"So, what are your plans now?" the father asked.
"I'm planning to have my own resto. Its okay lang naman diba, Dad?"
"Oh sure. Anything you want, Luanne. We can afford naman."
"Great! Louis, you need to help me with everything, okay?"
"As if I have another choice, ate."
"Ikaw talaga, anak. Be supportive naman sa Ate Luanne mo."
"E sa girlfriend niya lang yan supportive, Mommy e."
And they laughed.
"Rachelle, pwede bang wag mong paglaruan yang pagkain mo? Kung ayaw mong kumain, iwan mo na lang dyan," the father said.
Napatigil ang lahat sa pagkain at natahimik. Binaba ko yung kutsara ko at tumayo na.
"And where are you going, young lady?"
"I'm done eating. I'll go back to my room," I said it in my coldest voice.
They didn't say a thing kaya umakyat na ako.
Pumasok ako sa kwarto at pumunta sa banyo. Nakatingin sa salamin.
"Mama, sana you're here. Sana you're alive. Sana sinama mo na lang ako. Ma, after what happened, nilayuan nila ako. Walang gustong kumausap sakin. They pity me. Ma, people hate me. Ikaw lang yung nagmamahal sakin."
Naalala ko yung nangyari 2 weeks ago at hindi ko napigilang hindi maiyak.
After ng nakita kong scene sa lot, the next day, kung tignan ako ng mga tao e diring diri o naawa sakin. May mga kumakalat na tsismis. Wala na akong kasama dahil pinagkaisahan lang pala ako nung mga kaibigan ko. Mali, they ARE fake friends.
Pinatawag din ako sa office ng Guidance Counsellor dahil sa nangyari samin ni Aries. Pinayagang makuha ko yung diploma ko pero hindi ako magmamartsa. Tss.
Shet sila. Kainis. Nakakainis ka Aries! Nakakainis ka Drew! Nakakainis ka Jen! Nakakainis mga kaibigan ko! Nakakainis ka Daddy!
Pero mas nakakainis ang taong nakikita kong nasa harap ng salamin.
"ARGH!"
Binasag ko yung salamin gamit ang mga kamay ko. Tumalsik pa yung mga maliit na parts ng mirror sakin na nagcause na magkaroon ako ng mga maliliit na sugat sa arm at dumudugo ang dalawang palad ko.
Narinig ko namang nag 'bang' ang pinto ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...