Ariesselle's POV
1 week na rin ang nakalipas at medyo marami na rin ang nangyari e.Anyway, ich-chika ko sa inyo ang mga kaganapan. In-announce nung Monday kung sino-sino yung mga nakuha. Sa class namin nakuha sina Rein, Arianne at Allen. Malas ni Allen, siya si James eh. Si Rein naman yung shy best friend ni Shana na gaganapin ni Hannah. At si Ria? Muahaha, siya si Rafs. Naku! Biruin niyo yun? Sina Hannah at Allen? Muehehe.
Pero ako naman, ako yung isa sa mga head para sa image styling. Oha. Make-up artist na ako!
"Okay, class. Eto na yung schedule para sa first quarter exams niyo. Please copy."
Hay. Exams na next week. Ambilis ng panahon. Second week na ng August sa Monday! Waaah!
"O sige na, enjoy your day. Di naman kayo i-mi-meet ng mga teachers niyo so i-compile na lahat ng pag-aaralan niyo."
"Goodbye, sir!" lumabas na si sir ng room.
"Allen?"
"Oh?" sagot niya. Di man lang tinanggal ang tingin niya sa librong binabasa niya.
"Pahiram ako ng notes sa Chem."
"Bakit?"
"E kasi i-ccompile ko na yung mga notes ko para magstudy na lang ako bukas."
"Di ba kumpleto yung notes mo?"
"Ay tungeks. Manghihiram ba ako kung kumpleto?"
"Aray. Tungeks ako? Tss. Wala. Hindi ako nagsusulat ng lesson sa Chem."
"Amp. Damot. Tss. Liz!"
"Oh?"
"Pahiram ng Chem notes!"
"Wala. Di kumpleto."
"Naku naman! Sino pa ba," nilibot ko ang paningin ko sa room. Ayun! Nilapitan ko siya, "Enzo! Parekoy!" pa-FC muna ako.
"Oh bakit?"
"Peram Chem notes. Kumpleto sa'yo?"
"Ah. Oo naman," kinuha niya notebook niya, "Oh, mare. Ayan na."
"Dabes ka, parekoy!" bumalik na ako sa upuan ko.
"Oy. Binibiro lang kita kanina."
"Ewan ko sa'yo. Bahala ka, nakahiram na ko noh."
"Uy.. Galit ka na nyan?"
"Tss. Di noh. Magbasa ka na nga dyan!" kinuha ko yung Chem notebook ko at in-open yung notebook ni Enzo. Ang ganda ng penmanship ng lalakeng to!
Nagsimula na akong magsulat ng lumapit si Jenny sa'min.
"Uy, Aries, Allen, sali kayo spin the battle."
"Naku, busy ako, Jen eh. Yang si Allen na lang."
"Ha? B--" bago pa man siya makasagot e ayun, hinila na siya ni Jenny. Matatahimik na rin ako.
***
Natapos ko na! Yey! OA lang eh noh? Isang lesson lang naman na-miss ko.
Pero pa-atik muna na di pa tapos para di masali sa spin the bottle nila. :P
"Oh kay Allen nakaturo!"
"Ako magtatanong!"
"Hindi! Ako dapat!"
"Lol! Sino ba huling sumagot? Ako diba? So Allen, may girlfriend ka ba?"
"Hala, Anne! May balak ka mag-apply?"
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...