Chapter 47

3.4K 56 5
                                    

Ariesselle's POV

"Eto pa oh. Dagdagan mo!"

"Mas masarap pag walang nips!"

"Baby munchkin, mas masarap ang choco bits."

"Sprinkles na lang, cupcake. Para okay lahat."

Tumayo ang lahat ng balahibo ko.

"Guys, kung kasama niyo ako, pwede bang bawas-bawasan niyo ang paglalambingan? Kainis to," sabi ko sabay lagay ng mga sprinkles sa cake na ginawa ko.

"Aww, sorry, Aries. Hahanapan ka na namin ng boyfriend, gusto mo?" offer ni Carl.

"Wag na. Hihintayin ko na lang umuwi yung manliligaw ko galing NY."

Bigla namang may nahulog na kutsara sa kabilang table. Haay.

One week na rin after nung nangyari. At one week na rin na hindi kami sinasabayan ni Allen. Lagi niyang kasabay si Cass. Lagi na lang si Cass, si Cass, si Cass. Napagkakamalang sila tuloy. Buu.a

"Sinong manliligaw yan? Yan ba yung nurse na kasamahan ng parents mo?"

Natawa ako. 24 na yun, corrupting minor na siya.

"Koya ko na yun noh. Oh tapos na tayo," kinuha ko yung phone ko at pinicture yung gawa naming cake.

Ngayong quarter, may baking class kame. Marami ngang lalake ang ayaw pero in the end, pumayag na rin sila.

"Ang cute ng gawa natin. Allen!" tawag ni Enzo.

Di ba nakakahalata tong si Enzo na parang iniiwasan kami ni Allen? Insensitive.

"Bakit?"

"Papicture kami," inabot niya yung phone kay Allen.

"O sige, pose na."

Sinunod namin siya. After that, binalik niya na yung phone kay Enzo.Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng phone ko.

Andy calling...

"Hindi ka talaga nakakaintindi e noh? Tss," ni-reject ko yung call tapos inilagay na sa bulsa ko yung phone.

"Lagi kang tinatawagan nun, mare ah? Stalker mo?"

"Lul. Mukha bang may mang-sstalk saken?"

Tinignan akong maigi ni Enzo sabay sabing, "Maputi, may pagka chinita, matangos ang ilong, mahaba ang buhok, maganda ang boses, maliit nga lang pero maganda ka naman, mare e. So malamang lang may mang-sstalk sa'yo."

"Naks naman parekoy! Pinuri mo ba ako? Teka, namumula ako!" hinampas ko siya tapos natawa na lang ako. Pero yes, namumula talaga ako.

"Kinikilig si Aries," sabi ni Rein. Napalingon ako sa kanya.

"Sabi pa ni Kuya Drei and I quote, 'Ang cute ni Rein, kapatid noh? Ang hinhin tapos madali lang mamula--"

"Aries!" sabi niya sabay namula. Sabi na e.

"Naku, pag kayo ni kuya nagkatuluyan, dapat ate na tawag ko sayo," panunukso ko.

"Tama na nga. Dadalhin ko na yung cake kay Miss," super pula niya na pero kinuha niya na yung cake tapos naglakad na siya.

"Mare."

"Oh?"

"May nagseselos. May naiinis. Love triangle."

"Ano?"

Ngumiti lang si Enzo, "Ako bridge."

Tinignan ko lang siya. Ang weird niya ah.

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon