Chapter 59

3.4K 54 0
                                    

Ariesselle's POV

"Kapatid! Maganda ka na! Tama na pagpapaganda!"

Tinapunan ko ng tsinelas si Kuya Drei at sinuot ko na yung caramel-colored suede ankle-strapped wedge ko.

Napatingin ako sa full-length mirror ko. Ang babaeng nakikita ko ay naka beige-colored elbow-length sleeved cocktail dress na may belt sa may tummy para mas lumitaw ang ka-sexyhan niya. May light make up lang siya at nakalugay ang kanyang napakagandang buhok at naka-clip ang kanyang cute na bangs. May bangles at napakagandang jewelries siya mula sa kanyang birthstone na aquamarine. Ang ganda ng babaeng nakikita ko. Wahahaha. Sige, puriin pa ang sarili.

"Tara na nga, kuya. Ihatid mo na ako," kinuha ko na yung clutch bag ko tsaka yung gift para sa Christmas party namin.

Friday na ngayon at ngayon ang Christmas party namin. Sa isang hotel gaganapin yung party. Lahat kaming juniors ang magccelebrate ng sabay pero sa exchange gift, hati-hati na.

"Aba, ang ganda ng bunso natin ah? Picture muna," hinarap ni Kuya Ae yung cam sa akin at bago pa man ako makangiti, nag-flash na. Si kuya talaga!

"Eynekew. Akin na yan. Teka kuya, di pa ba ako pwede magmaneho?"

"Wala ka pang lisensya. Baka mahuli ka."

"Buu. Sige na, sasabay na lang ako kay Enzo pauwi. Kuya Ae, pakidala na lang ng gamit nina Ria at Liz sa kwarto."

"Kung di lang kita mahal, di ko yan gagawin," tumayo siya at pinulot ang duffel bags. Makikitulog kasi yung dalawa samin leytah.

"Tara na at ng makita ng mga tao yung kagandahan mo!"

Lumabas na kami ng bahay tsaka pumasok na sa kotse.

***

"Pielabs! Ang ganda mo ngayon!"

"Ngayon lang?! Grabe, babylabs, sakit sa aortic valve ng heart ko ah. Pero, mas maganda ka. Pag ikaw naging model, ako stylist mo!"

Naka violet-colored chiffon tube siya. Ang cute niya tignan kasi nagmatch yung kulay ng dress niya sa pumps at headband niya tapos curly pa ang hair. Naku. Pang international ang kagandahan!

"Lol ka! Tara dun sa loob ng banquet hall."

Pumasok na kami at nagsign up na. Hinanap ko si Ria pero hindi siya yung nahanap ng mata ko.

Sa may stage, may isang lalaking naka-polo na kasing kulay ng damit ko at naka-black jeans siya and rubber shoes. Ang cute niya tignan lalo na at tumatawa siya habang may kinakausap. Pero nung napatingin ako sa kausap niya... Haaay.

"Pielabs, Xmas party to, okay? Magsaya tayo," nginitian niya ako at hinanap na namin sina Ria.

"Aries!"

Napalingon ako and was blinded by the sudden flash.

"What was that for?" sabi ko habang nagbblink.

"Remembrance. Sorry."

Napatingin ako sa nagsalita. Sino to?

"Alexis Wayne. Class A," ngumiti siya. Napatingin ako kay Hannah.

"Oh, Aleck, ako na bahala. Sige, una na kami," hinila na ako ni Hannah palayo.

"Sino yun?"

"Crush ka nun, pielabs, pero chikboy yun e."

"Ahh.."

Habang naglalakad ako, nakita ko si Ria. Masyado siyang kapansin-pansin e. Naka-blonde wig siya with red ribbon headband, naka-black see-through long-sleeved blouse and black tank, red skirt na nagffall sa mid-thigh niya and a red 5-inch stilettos.

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon