Chapter 42

3.8K 51 0
                                    

Ariesselle's POV

"He what?!"

"Oh my gosh. Ang awesome naman nun! So romantic!"

"Ano sagot mo?"

Kasalukuyan kaming nasa room namin, kasama si Hannah at chinika niya saming tatlo yung naganap nung Monday, sa ferris wheel.

"Di ko sinabing oo, noh. Sabi ko, saka na ako sasagot. I mean, dapat manligaw muna siya, diba?"

"Hmm. Tama, tama. Ano sagot niya sa'yo?"

"Pumayag naman siya. Naiintindihan niya naman din," sagot niya habang tinu-twirl yung hair niya.

"Naku! Kayo talaga! Ayy, kinikilig ako. Si Hannah sumisibol na ang lovelife. E yung iba dyan?" sabay tingin sakin.

"Tigilan niyo nga ako. Tara na dun sa theater at ng makapag-ayos na kayo."

Thursday nga pala ngayon. Ngayon din yung play namin. Naku, sana maraming manunuod.

Busy kami nung Tuesday at Wed dahil malakas benta ng booth namin kaya take turns kami. Pupunta nga ngayon si Potpot dito para manuod ng play. Chance na to! Ipapakilala ko siya kay Allen.

***

Kakatapos ko lang ayusan yung mga cast. Bumaba muna ako sa may audi para hanapin si Potpot, baka hina-harass na yun ng mga kababaihan dito e.

"Uy!"

Napalingon ako. Si Allen pala.

"Naks! Ang panget mo ngayon ah!"

"Reverse psychology? Wag ka na Destiny, alam ko namang gusto mong sabihing gwapo ako."

"Yabang."

"May ipagmamayabang naman."

I rolled my eyes. "Aries!"

Napalingon ako tapos ngumiti, nilapitan niya ako.

"Andito ka na pala. Ay teka," hinila ko siya paharap kay Allen.

"Allen, best friend ko, si Alvin. Potpot, si Allen, kaibigan ko."

Tinignan ko lang silang dalawa. Ang sama ng tingin sa isa't isa. May past ba tong dalawa?

"Aries!" napalingon ako. Tinatawag na ako.

"Maiwan ko muna kayo ah. Vin, dun ka sa first row, second column. Punta na ko, bye!"

Tumakbo na ako papuntang backstage. Pero bago yun, lumingon muna ako..

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon