Chapter 37

4.3K 67 3
                                    

Ariesselle's POV

"Mga kaibigan, tayo'y mag-group study."

Napalingon naman kame kay Enzo.

"Bakit naman?"

"Anong bakit? Exams na next week noh. Ano? Sige na. Game na yan!"

"O sige. Saan naman daw tayo if ever?"

"Kina Aries. 10 am. Saturday."

"Ay wow? Ano yan pinagplanuhan?"

"Sige na, Rie. Mas maganda kasi pag sa inyo, walang maingay, walang istorbo, malaki ang space at maraming pagkain."

"Napapaghalataan na matakaw ka, Carl."

"Che. Nagsasabi lang ako ng katotohanan."

"O sige na nga. Ipapaalam ko kay Nanay Isah. Sino-sino naman tayo?"

"Edi tayong magbabarkada. Oi, Allen dapat sumama ka!"

"Hala? At baket naman?"

"Para pag may di kami maiintindihan, sa'yo kami lalapit."

"O sige na nga ah. Oi, Destiny, tara na."

"Ayeeeh~ kayo ha!"

"Tumahimik ka," kinuha ko na yung bag ko.

"Sige, kitakits sa Saturday, I mean bukas. Oy, dala kayo pang-chibog ah."

"Sus, madami kayong stocks noh. Tsaka, wag ka ngang laging maglalapit dyan kay Enzo, pati ang salitang 'chibog' alam mo na."

Nagsagutan naman sila dun. Gusto ko sana imbitahan si Rein e kaso ayun, umuwi na. Ajuju talaga.

"Oy, Pilosopo Tasyo, punta muna tayong lockers at kukunin ko ang iba kong notes."

Papunta kami sa lockers. Binuksan ko na yun ng may nakita akong envelope. Uy, may manliligaw na ba ako? Ambi lang.

Binuksan ko ito.

Usap tayo bukas. 4 pm. Aasahan kita. -Drew

"Uy, ano yan?"

Tiniklop ko agad yung note.

"Aba? May manliligaw ka? Sino naman yan?"

Sinara ko yung locker at inilagay sa inner pocket ng coat ko yung letter.

"Oy, sino yun?"

Di ko siya pinansin.

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon