Allen's POV
"Pass your papers now," tumayo na ako at ipinass sa proctor yung papers ko. Natapos ko rin!
Inayos ko na ang gamit ko. Eto na kasi yung huling exam namin. Bukas, friday e wala na. Mabuti naman at sobra-sobrang pagpiga na ito ng utak.
"Ria, sa Saturday ka na punta sa'min ah? Dapat makuha mo na yun!"
"Hai, hai, sensei," sagot naman ni Ria kay Destiny.
Ang weird naman netong dalawang to! Nag-japanese lang si Ria patuloy din nag-hapon si Destiny.
"Oy. Wala na kong maintindihan sa pinagsasabi niyo," sabat ko na.
"Wag mo na intindihin, Allen. Kami lang nakakaintindi nun noh."
"Oo na, oo na. Tara na, Destiny."
"Aba! Saan kayo pupunta?!" -Liz
"Kayo na?!" -Ria
"*gasps* What?! Paano na tayo, Allen?" -Enzo
Napatingin kame kay Enzo.
"Pre! Di tayo talo!"
Natawa naman sila. E kasi! Sa lahat ba naman na pwedeng i-joke e!
"Wahaha. Makikisabay ako kay Allen pauwi e. Mamaya pa kasi makakauwi si Kuya Drei at Kuya Ae at may sakit si Tatay Ting."
"Bah, pinagkakatiwalaan ka na ng mga kapatid, bro ah?" -Luke
"Iba ka na! May basbas na!" -Carl
"Lul. Sige, una na kami ah!" paalam ko.
"Ingat! Oy, ingat sa pagddrive ah!"
"Opo, mga lolo't lola. Wag kayong mag-alala. Safe tong si Destiny sa'kin."
Nakakatuwa ngang isipin eh. Pinagkatiwala sakin nina Kuya Drei at Kuya Ae si Destiny. Pero ayoko namang magtake advantage kaya dapat alagaan ko tong bunso nila.
"Uy! Ngiti-ngiti mo dyan?"
Napatigil tuloy ako sa pagngiti, "Naalala ko lang nung muntikan ka ng madapa. Pfft."
"Che. Tara na nga," lumabas na kami ng room pero napatigil siya.
"HANNAAAAAH!" Tumakbo siya papunta kay Hannah at tinapon yung libro niya sa sahig.
"ARIIIIEEEEES!" Tumakbo din si Hannah papunta kay Destiny.
Wow lang. Kelan pa sila naging ganito ka-close? Hindi kami nagkita last week dahil busy si Hannah pero di ko naman akalain na ganyan nila na-miss ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...