Chapter 76

3.5K 62 2
                                    

Allen's POV

"Ma, ano ba naman. Pati rin ba kayo?"

"Argh. Kung di lang kita anak e siguro inihulog na kita dito sa plane. Kainis ka naman kasi e. Kung ayaw mong magbye kay Aries, sana pinayagan mo man lang ako!"

I sighed, "Ma, pwede bang ako muna kampihan mo?"

Binatukan ako ni Mama.

"Wala akong kinakampihan. Ang point ko e sana man lang, nagpaalam tayo. May pinagsamahan kayong dalawa at kahit di man kami ganun katagal magkakilala e gusto ko si Aries maging daughter-in-law ko!" tapos nag-cross arms siya. Haay. Nanay ko nga to.

5 hours na lang e makakarating na kami ng New York. Pero ewan ko ba, iniwan ko dun sa Pinas yung puso ko. Ang bading ko na talaga.

*sigh* Kailangan naming umalis. Na-aksidente raw si Dad kaya pupuntahan namin siya. Hindi rin naman kami magtatagal, siguro mga 1 month lang tapos babalik na kami sa Pilipinas.

Pero di na ko babalik pa sa FS o sa St. Denis. Na-assign ulit si Mama sa ibang lugar kaya dun kami titira. Siguro mas ayos na rin to para madaling kalimutan si Destiny. Pero alam kong it'll be a long process.

Sana nasabi ni Enzo yung saloobin ko kay Aries. Sana maintindihan ako ni Aries.

"Tss. Wag ka na nga malungkot dyan. Hmp. Don't worry anak. Marami akong ipapa-realize sayo. For now, matulog na muna tayo."

Hindi ko man naintindihan yung unang sinabi ng Nanay ko e natulog na ako.

Kelangan ko ng ipahinga ang utak ko. Ang utak kong kanina pa iniisip si Destiny.

Ariesselle's POV

I'm tired. I'm so tired. Haaay.

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Ang dami daming nangyari ngayong araw.

Kumalat agad yung mga tsismis tungkol sa akin, kay Rachelle at kay Andrew. Sana ma-karma yang si Drew. Siya ang puno't dulo netong lahat e.

Isa pa tong si Allen. Nag-assume agad siya e di niya naman alam ang tunay na nangyari.

*Flashback*

Nung tinext ko si Drew na nakapagdecide na ko, sabi niya magkita kami. Kaya andito ako ngayon sa Zick's. Hindi niya naman alam na kina-Enzo to kaya pumayag naman.

Naka-hoodie at shades pa ko nun dahil baka may mga schoolmates kami na umaaligid-aligid. Nakita ko siyang papasok pero hindi siya papalapit sakin kundi dun sa nasa likod ko.

Tinago ko yung mukha ko gamit yung menu. At narinig ko pag-uusap nila.

"Jen, bakit ka ba nagpapunta dito? Baka makita tayo ni Aries, masira pa plano."

"Ano ba, Drew. Ano ba ako?"

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon