Hannah's POV
School fest.
Grr. Ang daming kelangang i-check. Pinagsisihan ko ng naging president ako for juniors.
"Hannah, pahinga ka na kaya muna? Kanina ka pa nagrrounds e. Sige na, take the rest of the day as your day off. Kaya na ng ibang members."
"Naku, Ate Shane. Doing my job as the president lang naman po."
"E mas marami ka pa ngang nagagawa kesa sa akin na overall president e," ngumiti siya. Ambait talaga ni Ate Shane.
"Okay po. Thank you."
"No. Thank you. I-enjoy mo yung fair ah!"
Napangiti rin ako, "Bye po!"
Lumabas na ako ng office. At last! I'm free!
Nag-inat muna ako. Feeling ko tumanda ako ng sampung taon e. Hay!
"Hannah!" lilingon pa lang sana ako ng may tumapon na ng sarili niya sakin. Pagka amoy ko, si Aries nga. Eto lang kilala ko na amoy Jergens eh.
"Aray, Aries ah. Hindi na ko makahinga e."
Tinanggal niya yung pagkakayakap niya sakin.
"Ay sorry. Nga pala," lumingon siya kaya napatingin din ako sa tinitignan niya.
"Maiwan ko na kayo ah? Hinahanap na ako sa booth. Babyee~"
Pipigilan ko pa lang dapat siya ng tumakbo na siya papalayo. Eto talagang si Aries.
"Uy. Di mo sinasagot mga tawag ko ah?"
Tinaasan ko siya ng kilay tapos naglakad papuntang stairs. Lenye to. Naka-green shirt, jeans at sneakers lang siya pero gwapo pa rin. Na-conscious na lang ako sa itsura ko.
"Wuy, Aki, galit ka pa rin sa akin?"
"Kahet sino naman magagalit sa ginawa mo, stupid."
"A-ako? S-stupid? Ako pa stupid?"
"Hinde. Yung wall ata. Ano ba ginagawa mo dito?"
"Open to all ang fair, stupid."
Tinaasan ko siya ng kilay. Magsasalita na sana ako ng may biglang..
"Hi, Hannah!" napalingon kami ni Vintot. Teka, si Katrina to. Oh? Milagro pinansin ako neto?
"Oh, you're with someone pala. Teka, you're Alvin Nikko Santien of St. George, diba?" nanlaki ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...