Ariesselle's POV
Alas 9 na ng umaga at ako'y gising na gising na. Nakaupo lang ako dito sa couch at kumakain ng V cut at umiinom ng pepsi. Parang nasa school lang.
*buzzer*
At eto nanaman po tayo.
Tumayo ako para buksan yung gate. Ayoko mang iwan sina Phineas and Ferb pero kailangan ko.
Nagslippers na ako at lumabas ng bahay tsaka tumakbo papunta sa gate.
"Dito po ba nakatira si Andrei Nile Francisco?"
Sino nanaman ito? Tss.
"Ano po bang kailangan nila?"
"Ah, eh ano... pakibigay na lang to sa kanya. Thank you," namumulang iniabot niya sa akin ang isang malaking box na may lamang chocolate at malaking heart na pillow na nakasulat e 'I love you'. Aba't napaka-demure mo atii!
Nung tumingin ako paharap, wala na kausap ko. Nakasakay na sa... limo? Wow naman teh!
Pumasok na ako sa gate at papasok na ng bahay ng...
*buzzer*
Ay susko! Hanggang kelan ba naman to?! Ngayon, alam ko na feeling ni Nanay Isah every Valentine's day.
Binuksan ko yung gate na bitbit pa ang box.
"Ano pong kailangan nila?" pataray kong tanong.
"Dito ba nakatira si Aethan Niel Francisco?"
Tinuro ko yung sign sa brick wall ng gate na may print na: A.N. Francisco #268.
"Ah.. Sorry. Pakibigay naman sa kanya to oh. Thank you," inilagay niya sa loob ng box yung isang malilit na box ng brownies at box ng cake.
"Okay. Teka, ate, may pangalan mo ba to? Baka magtanong mamaya eh."
"Ah. W-wag na. Ayokong malaman niya. Sige. Bye," at sumakay na siya sa red sports car niya.
Nagulantang ako. Ang yayaman naman ng mga kababaihang to. Yung pinakauna, di ko nakita kasi bodyguard yung nag-abot. Yung pangalawa, may taga-bitbit pa na maid pero di ko rin kita ang mukha dahel may malaking sunglasses. Yung pangatlo naka-limo. At eto naman, naka-sports car pa.
Grabe nemen pala ang kagwapuhan ng mga kuya ko. E bat ako hindi maganda? Life is really anpeyr. Hay.
Papasok na dapat ulit ako sa gate kaso parang may humintong kotse. Napalingon ako, baka kasi mamaya e mga namimigay ng libreng chocolates to. Wahaha.
Pero dahil nakakahiyang maghintay, nagdecide ako na pumasok na sa loob. Ambigat naman ata netong mga chocolates! May bato ba to dito.
"Para sa'yo lahat yan?"
Napatingin ako dun sa nagsalita. Oh em gee. Isang napakagwapong nilalang!
"Ay hinde. Para sa mga kapatid kong lalake. Masyadong mga gwapo yun e."
"Ahh," ngumiti siya. Isang pang toothpaste commercial na ngiti.
Ngumiti rin ako. Na-conscious bigla sa suot ko. Nakapambahay lang ako tapos etong kausap ko e naka-polo pa and all!
"Ay, may hinahanap po ba kayo?"
"Ahh. Hinahanap ko yung #376. Alam mo ba kung saan yun?"
"Ah. Diretso ka lang po sa daan na yan," turo ko dun sa daan.
"Oh, okay. Thank you, miss."
"No worries. Pano, papasok na ko ah. Bye," sabi ko habang kumakaway.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...