Ariesselle's POV
Sunday na ngayon at 6.00 pa lang e gising na ko.
Nagpunta kami ni Nanay ng 7.30 am mass tapos umuwi na rin para makapag prepare ng heavy meal para sa mga tamad na kalalakihan na nasa bahay.
Tinulungan ko naman si Nanay sa paglinis. Yun lagi tinuturo ni Mommy sa'kin e.
"Nanay, may gamot po ba tayo para sa sakit ng ulo?"
"Oo naman, bakit?"
"For sure po, may hangover si Alvin."
"Andito siya?" Napatingin ako kay Nanay. Di niya alam?
"Nag-inuman po kagabi yung tatlo. Nakainom ng sobra si Vin."
"Ay, bakit di ninyo ako ginising?"
"Naku, ewan ko po kina kuya e. Ako na po nag-asikaso dun."
"Ay naku. Yan talagang mga kapatid mo."
Natapos na kaming maglinis at nakaupo ako dito sa living room hinihintay na bumaba si Alvin.
After 4897632 seconds, bumaba rin to. Naku.
"Shet. Mom. Ang sakit ng ulo ko," sabi niya pagkababa niya. Nilapitan ko nga.
"Wala ka sa bahay niyo, tungeks."
Napadilat siya bigla at na-out of balance.
"Whoa. Baket nagsspin? Lumilindol ba?"
"Biglain mo kasi e!"
"Shet. Don't shout!"
"Ay, lowko. Siya tong sumigaw. Tara nga dun sa dining."
Inalalayan ko siya papuntang dining room. Ginawan ng orange juice at binigyan ng gamot.
"Wow. Thanks, misis." ininom niya yung gamot at orange juice.
"Ulul. Wala misis mo, nagdivorce na kayo. Ako ang iyong konsensya."
"Shut up. Pahinge pa ngang orange juice," sabay abot ng baso saken.
"Oh eto," nilagyan ko ng juice yung baso niya. Kaya tinungga niya naman.
"Ah. Ang sarap. Magtayo ka nga ng sarili mong juice stall."
"Wag mo kong binobola. May kasalanan ka pa sa'kin."
"Ano?"
"Anong nangyari kagabi? Baket ka naglasing? What's wrong with you?"
"Hep. Bago ko sagutin yan, pwede bang makikain muna? I'm starving. Asan si Nanay?"
As if on cue, pumasok sa dining room si Nanay na may dalang toasted bread, margarine and sugar, at bananas.
"Wow. Thank you, Nanay. The best ka talaga."
Pinagmasdan ko lang siyang kumain. Gusto kong mailang siya e. :P
"Potpot, pwede ba? Alam ko namang gwapo ako pero pwede ba? Wag mo namang ipakita na naggwapuhan ka sakin."
Ay naku, mahangin ata?
"Naawa ako sayo e. Ilang taon ka bang di kumain? Mukha kang PG dyan e. Ang ewan mo."
"Tss. Tse."
Pagkatapos niyang kumain, niyaya ko siya na doon kami sa swing sa likod bahay.
"Potpot, mag-explain ka nga. Ano bang nangyari kagabi? Sabi pa ni Kuya Drei brineak ka raw. May bagong gerpren ka di mo man lang sinabi sakin?"
"Lol. Kuya Drei talaga. Sabi ko sa kanya, yung dahilan ng pag-inom ko e dahil dun sa ex ko na brineak ako. Wala akong bago noh."
"Ano ba kasing nangyari?"
"Diba di ko naman in-explain kung bakit wala na kami nung girlfriend ko?"
Tumango-tango ako. Nagpatuloy siya.
"Well, may gusto pala siya sa isang kaklase kong lalake na malapit kong kaibigan. Nung niligawan ko, um-oo siya. 1 week lang nga tapos sinagot ako agad. Nagtagal kami ng almost a year din, gaya niyo nung gagong Andrew na yun. 11 monthsary nung nakita ko siya, kasama nung kaibigan ko, nag-uusap at nagtatawanan ng biglang hinalikan ni Gayle yung lalakeng yun. I approached them at hinila si Gayle. Tapos yun... *sigh* inamin niya na kaya lang siya um-oo sa relasyon namin dahil mas gusto niyang mapalapit dun sa lalakeng gusto niya."
Nakanganga lang ako nung nag-explain siya. Shetsuness. Anong klaseng tao ang gagawa nun?
Hindi ako makapagsalita. Akala ko tapos na pero nagsalita pa rin siya.
"I am still in love with her, Rie. Kaya nga I want to win her back. I want her to fall for ME. Sa lalaking nagmamahal sa kanya. Pumunta ako dito sa FS para humingi ng tulong sa'yo. Tips kumbaga. Pero nakita ko siya... Nakita ko si Gayle sa labas ng isang bahay dito sa subdivision niyo. Curiousity kills. I waited to see kung sino yung hinihintay niya. 6 pm pa nga ako dun e hanggang nag-7 na lang, di pa rin siya umaalis sa harap ng bahay na yun. Lalabas na sana ako ng kotse ng nakita ko yung taong lumabas ng bahay... It was him, Rie. The same guy."
He covered his face with both hands. And I know he's crying.
"Nakakainis, Rie eh. Ako na nga tong nagpapakabaliw na magmahal sa kanya, dun pa rin siya kapit ng kapit sa gagong yun! Langyang buhay to."
Ano bang gagawin ko? Paano ba nagccomfort ng taong nasasaktan dahil sa pag-ibig?
Lol. Parang di ko rin to nararanasan ngayon e noh? Parang nasa parehong sitwasyon nga lang kami e. Ewan ko lang kanino mas mabigat. But that's not really important.
"Sige, ilabas mo lang yan. Ilabas mo lahat ng galit, inis, pagkamuhi mo. Andito lang ako, potpot. Don't worry."
Isang oras din kaming nakaupo dun. Walang umiimik sa amin.
"Shet. I'm so gay. Crying in front of you," he wiped his tears.
"Ewan ka ah! Katabi mo ko di kaharap," tumawa naman siya, "And besides, who told you na gay ang lalakeng umiiyak? Its natural lang naman eh. Tsaka, it means you're affected, may nararamdaman ka, so that means hindi ka cyberg chuchu dyan."
He smiled, "Weird motivational words, eh?"
"Shetep."
Silence.
"Potpot," I said, "Anong balak mo ngayon?"
"Wala. Magpatuloy sa buhay. Papatayin ako ng nanay ko pag nalaman niyang nag-iiyak ako't nagmumukmok dahil lang sa babae noh."
"Wasush. Okay ka na ba? Pasok tayo sa loob, mainit na e."
Tumayo siya at ngumiti sakin, "Okay na ko noh! I'm brave!"
Tinignan ko siya sa mata. Hah. E halata nga sa mga mata niyang sobrang nasasaktan siya.
Tumayo na ako at inakbayan siya kahet na mahirap dahil matangkad tong bespren ko.
"Siyempre you're brave! Mana ka sa akin noh!"
At pumasok na kami sa loob ng bahay.
Makakayanan to ni Alvin. I know. I just hope na hindi siya maka-feel ng hatred dun sa guy at kay Gayle at hindi niya iisiping lahat ng babae e manloloko.
Naku! Pag ganun, baka di na to mag-asawa noh. Sayang ang lahi! Gwapo pa naman to. Tsk tsk.
--
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...