Allen's POV
"Ma, ikaw ba yung nagluto ng chilli kahapon? Sabi ko na sayo allergic si Aries dun, diba?"
"Hindi noh. Ingat na ingat nga ako sa mga ingredients na nilagay ko sa niluto ko noh dahil dun sa sinabi mo. E yung isa mong kaklase na ex ni Nikko? Baka yun? Ay naku! Pag siya naglagay nun, lagot siya sakin!" sabi ni Mama saka lumabas ng living room. Tong nanay ko talaga.
Naisip ko naman yun. Pero sino ba namang matinong tao ang maglalagay ng chilli or chilli powder sa chocolate cake, diba? Sira ulo lang a--
Hindi pala matino si Gayle. Tinawagan ko siya agad.
"Hello, Allen?" sabi niya sa malambing na tono.
"Ikaw ba naglagay ng chilli powder sa choco cake kahapon?"
Bigla naman siyang tumawa.
"Hooray! Finally! After hmmm.. After 20 hours! Congratulations, Allen!"
"Bakit mo ginawa yun? Alam mo namang may allergy yung tao sa chilli e!"
"Huh? Di ko kaya alam!"
"Di mo alam? E ba't mo nilagyan ng chilli yung cake?"
"Fine. Yes, I know. Dapat alam ko yung vulnerable side ng kalaban ko noh."
"Anong kalaban? At bakit mo ginawa yun? Paano kung may nangyari sa kanya?"
"Relax, babe. Walang nangyari, diba? Tss. And besides, it is your fault."
"My fault?"
"Yeah. Nung nagkasakit siya, you talked to her. Sabi ko, okay lang since she's sick naman e. Pero nung free day, sobra namang ata yun, diba?"
"Yun lang ang reason mo?"
"That is not 'lang'. What I am trying to point out here is, don't break your word, Allen. Di porke't di ako nakatingin e pwede mo na siyang kausapin. I have eyes."
"Bakit mo ginagawa to?"
"Coz it's fun! Unlike when I was with Nick, so boring. I like what I am doing now."
"Okay. Wag ka na lang ulit gagawa ng kung ano-ano. I'll stay away from her."
"Dapat lang. And one thing, ayoko yung nangyari kahapon. Tss, pinagtawanan nila ako. I wanna be close with your mom so make sure to give good impressions about me sa kanya ah?"
Sasagot na dapat ako ng bigla akong babaan. Wow lang.
Hay naku. Di ko na alam ang gagawin ko sayo, Gayle!
Ariesselle's POV
Haaaaaaay.
"Ang habang buntong-hininga nun ah. Sino ba hinihintay mong mag-text sayo at kanina mo pa sinisilip ang phone mo?"
Napainom ako sa avocado shake ko nung tinanong niya yun. E kasi naman!
"Eeh. Kasi lahat na ata ng mga may number ko e tinanong kung buhay pa ba raw ako after nung paghihingalo ko kahapon pero si Mang Tasyo, hindi man lang nakaalala!"
"So, ine-expect mo na magttext yun sayo?"
"Malamang. Hindi ba siya nagccare sakin? Sakit sa atriums ng heart ko, brad!"
Tumawa lang siya habang ako nammroblema dito. Ang galing lang.
"Sabihin mo Elle, mahal mo pa ba si Andrew?"
"Echusero ka din noh?"
Mas tumawa pa si Dylan. Parang may nakakatawa talaga dun sa sinabi ko diba?
![](https://img.wattpad.com/cover/9498374-288-k995922.jpg)
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...