Ariesselle's POV
"Ano, nakausap mo na?"
"Wala pa nga e. Saan ba nagsususuot yun? Laging wala sa room!"
"Ang alam ko may inaasekaso raw na papers. Bakit kasi di ka maka-tyempo? Magsosorry na lang nga."
Haaay. Napa-sigh na lang ako. Asan na ba kasi yung si Allen? Ako na nga magso-sorry e tapos di pa siya nagpapakita!
Its been a week na rin. Patapos na ang February at malapit na mag-March. Malapit ng grumadweyt yung mga ate at kuya ko rito. Amp. Mamimiss ko sila.
Pero bago pa man yan, kelangang mahanap natin si Allen.
I phoned him.
~Sorry, the number you are dialling is either unattended or out of coverage area. Please try again later.~
Ano ba yan? Kainis tong si Allen, oo.
Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Sir Palarta. Nagulat kami. Dapat Geom yung subject ngayon e.
"Good afternoon, class."
"Good afternoon, sir. Wala po bang Geom ngayon?"
"Wala. Di makakarating yung teacher niyo. But anyway, I have news."
Nakinig naman kami. Basta balita, maaasahan niyo kami.
"Napansin niyo namang di na pumapasok si Cassandra, diba?"
Tumango mga kaklase ko.
"She dropped out sa school at pumunta na sa California."
Nagulat sila. Hindi na ko nagulat dahil alam ko naman noh.
"And kaya wala na si Allen dahil nag-drop na rin siya."
"What?!"
Napatingin yung mga kaklase ko sa akin. Nagulat ako. Sobrang nagulat.
"Inayos niya lang yung papers niya at kumuha ng advance exam kaya busy siya for two weeks. Kailangan nilang umalis ng bansa dahil may emergency sa NY..."
Di na ako nakinig kay sir. Bakit siya umalis? Bakit di man lang siya nagpaalam? Ganun ko ba siya nasaktan na kahit magpaalam lang e di niya nagawa?
"Kaninang 9 yung flight niya. Tumawag lang siya sakin bago magboard. Hindi ko naman alam na ngayon ang alis nila."
Ang sikip ng dibdib ko. Hindi ako makahinga. Ang sakit. Ang sakit sakit.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...