Ariesselle's POV
"Bunso, papasok ka pa ba?"
"Opo. May long quiz ako sa geom."
"Kumuha ka na lang ng special exam."
"Mga kuya, ayos lang po ak-- choo!"
"Yan ba ang ayos lang? Sus. Pag lumala talaga yang lagnat mo, tignan lang natin."
"Wag niyo na nga yang pagalitan. Oh, baunin mo na lang tong gamot. Kapag mas sumakit ang ulo mo, diretso ka ng infirmary."
Napa-froze ako sa sinabi ni Nanay. Never na ako ulit papasok sa infirmary.
Kinuha ko na yung med at nilagay sa purse ko saka sa bag ko tapos yung jag ng orange juice e kinarga ko na lang.
Para na akong clown na may malaking kamatis sa ilong tapos sabog ang mata at pink ang cheeks. Para lang nagbblush pero yun pala, nilalagnat na.
Sumakay na ako ng kotse. Buti na lang di ako pinagalitan kagabi nina kuya. Medyo pinagsabihan lang tsaka nag-promise na bibigyan ako ng free driving lessons. yes!
Nagdrive na si kuya papuntang school tapos binigyan pa ako ng mga kung anong lecture nina kuya. Sus. Ako'y nilalagnat lamang.
Pumasok na ko sa gate, papunta sa waiting area, papasok sa main building, paakyat ng stairs, papalakad papunta sa room, papasok sa room, paupo sa upuan ko.
"Mare? Ayos ka lang?"
Nilingon ko si Enzo at tinignan lang siya at umupo lang sa upuan ko. Bakit kasi umulan kahapon?
Nagring ang bell, nagsimula ang klase ni sir, nag-jot ng notes, tapos na klase ni sir, pumasok ang geom teacher ko, nag-greet kami, tapos pinass niya yung test papers namin.
Naku. Nahihilo ako pero kelangang mag-concentrate.
Natapos yung class na yun at yung mga sumunod pang class hanggang nag-lunch na lang.
Nakaupo pa rin ako sa upuan ko. Wala akong balak bumaba. Gusto ko lang matulog.
"Aries, ayos ka lang?" narinig ko na sabi ni Rein tapos pinakiramdam yung noo ko.
"Ang init mo, ah? Nilalagnat ka ba?"
Bigla na lang lumapit sina Liz sa akin.
"Kanina ko pa nga napapansin ang pagsneeze mo e," pinakiramdam din ni Liz noo ko.
"OMG! Ngayon ko lang napansin ang pula ng nose and cheeks mo. May med ka ba dyan?"
Binigay ko sa kanila yung purse ko kung saan ko nilagay yung medicine box ko.
"Inumin mo na to. Naku. Ba't ka pa kasi pumasok ngayon?"
"May exam sa geom e."
"Sus! May special exam naman sana."
"Ay basta, andito na ako e," kumuha ako ng 1 pull ng tissue dahil nababahing ako.
"Oh gosh. Germs," sabay roll eyes niya. Ang arte talaga ni Cass. Kainis.
"Oh gosh. Arte," sabi ni Liz pero mahina lang.
"Mare, gusto mo bilhan kita ng food?"
Na-touch naman ako kay Enzo.
"Thank you, parekoy. Pero okay lang ako. Baka masuka lang ako pag kumain ako."
"Punta ka na lang kayang infirmary?"
"May phobia na si Aries sa infirmary, eh. Kaya I suggest pauwiin na lang yan."
"Aba, pano mo nalamang may phobia yan? Baka stalker ka ni Aries," sabi ni Carl.
![](https://img.wattpad.com/cover/9498374-288-k995922.jpg)
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...