Chapter 68

3.3K 56 0
                                    

Ariesselle's POV

"Kain ka ng kain. Tataba ka na talaga niyan."

"E nekekenesh namhan kashi--"

"Manners, chum! Kamusta naman?"

Nilunok ko muna yung spaghetti na nasa bibig ko tapos ininom yung iced tea ko.

Nasa mcdo kami ngayon ni Dylan. Kumakain, malamang. Kakatapos lang ng practice namin for prom at sinundo niya ako sa school para masabihan siya ng mga ka-dramahan ko sa buhay. At dahil namimiss niya na raw ako. Asus. Neknek niya. Ako kasi ang nakatokang manlibre ngayon e. Kenes.

"E kasi naman, itong best friend ko, masyado atang nahumaling kay Hannah kaya hindi na kami madalas nagkikita at hindi man lang ako tinetext o tinatawagan. Kawawa naman ako. Ang sakit sa lungs nun!"

"Oh? Hindi ka ba masaya sa presence ko? Ang saket nun. Sudden realization," umiling pa siya nun habang inilalagay yung kanang kamay niya sa dibdib niya na parang nasasaktan siya

"Hindi naman. Thankful nga ako sayo noh. Ang hindi ko lang matanggap e yung pag di ko nasasabi sa kanya mga dramas ko e magtatampo pa. Ang kalabaw nun, diba?"

Tinawanan niya lang ako at sumubo ng fries.

"Alam mo ba, natanong sakin ng Mommy ko kung ikaw daw ba girlfriend ko."

Nabulunan naman ako bigla.

"Hala ka. Nasosobrahan na paghahang-out natin!"

"Sus, OA ka. Sabi ko sa kanya, ako ang better friend mo dahil may best friend ka na."

"Better friend? Imbento ka ah," kumuha naman ako ng fries nun at kinain yun.

"So, ano, nakapag contemplate ka na ba? Kamusta ang practice for prom?"

"Ayos lang naman. Ay teka, may ikkwento pa pala ako sa'yo."

Iknwento ko sa kanya lahat ng nangyari nung past week. Mula sa pagsasampalan namin ni Rach, pamamansin ni Drew, partner ko sa prom, kay Cass..

"Grabe talaga, chum. Hindi talaga nauubusan ng kwento ang buhay mo noh?"

"Di talaga noh. Pinaglihi ako ni Mommy sa manok na laging tumitilaok."

"Sows. Anyway, anong balak mo sa Valentine's? Date tayo."

"Magffitting ako ng gown e. Sama ka?"

"Ayos lang? Sino ba kasama mo nun?"

"Si Ate Loren at Kuya Aethan. Mag-double date tayo. Ano oras ba matatapos ang klase mo?"

"Hmm. Wed naman ang 14 kaya hanggang 1.30 lang ako. 30 minutes drive lang yun kaya mga 2 nasa mall na ko."

"May lunch ka na nun?"

"Nah, straight from 7.30 to 1.30 yung class ko nun."

"Oh sige. Dapat may roses ka para sakin! Patay ka pag wala."

"Wow naman. Galing mong ka-date ah!"

"Dapat lang. Anyway, dito na tayo magkita nun para di ka na magdrive."

"Okay."

Humigop ako dun sa iced tea ko. 15 kasi yung prom namin at binigyan kami ng one day para makapagprepare. Kaya nga sa 14 e free ako at ready to date. Em so excited. Muahaha.

*bzzt bzzt*

Napatingin ako dun sa phone ko. May bagong mensahe galing kay Parekoy Enzo.

From: Enzo

 mga katropa! wla akong ka-date sa 14. date tayo!

Natawa naman ako sa message niya. Kawawang nilalang. Iba na talaga pag torpe. Wahaha. Masamang kaibigan here!

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon