Ariesselle's POV
Mhen! Ano ba kasing pinaggagagawa ko kanina? Naku talaga.
Pero eto ngayon. Lagot ako.
"Nanay Isah," sabay punta ko sa likod-bahay kung nasaan si Nanay.
"O bakit, nak?"
"Nanay. Ano oh," pinakita ko yung coat ko sa kanya.
"Ay josko kang bata ka! Bakit namantsahan yan?"
"May nabangga po kasi ako kanina na may dalang shake. Natapon niya po sa akin e."
Tinignan naman ako ng mabuti ni Nanay. Hinuhuli ata ako.
"Oh e bakit basa ang buhok mo?"
Ba't napansin niya to?! Rawr.
"Ah, e kasi po, ano.."
"Wag mong sabihin natapunan ka ng tubig? Umamin ka nga, may nambu-bully ba sa'yo?"
Naku. Lagot.
"Wala po, Nanay. Naghuhugas kasi kami ng kamay kanina tapos napalakas yung pag-open ko sa faucet kaya natamaan si Liz kaya nagbasaan kami kanina."
"Sigurado ka? Isusumbong talaga kita sa Mommy at Daddy mo."
"Opo. Wala pong nambubully sa'kin."
"Umakyat ka na doon at maligo. Magkasakit ka pa naku kang bata ka!"
"Opo, opo," nagretreat na ako at nagmadaling umakyat sa kwarto ko. Pag ako nakita nila kuya, patay na ko!
"Oy teka, teka! Saan ka pupunta?"
"Sa kwarto ko, kuya. Baket?" patay na talaga ako neto.
"Halika nga rito," pi-nat niya yung space sa gilid niya. Bakit ba?
"Yezz?" sabi ko ng maupo ako sa couch.
Tinignan niya ako ng maayos. Patay. Baka napansin niyang basa buhok ko.
"May problema ka ba, bunso?"
"Eh? O.o"
Ginulo niya naman ang buhok ko, "Sabi ko, may problema ka ba?"
"Problema? Yung problem set ko sa Geom di ko pa natatapos."
"Tungeks. Ibang problema.. Love life, school problem, friends. Alam mo na."
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...