Rachelle's POV
Kakatapos lang ng practice ng Harmony and nililigpit ko na ang gamit ko.
"Rach?"
"Yes, miss?"
"May offer galing Views Corp. May hine-held silang party for their scholars and in-invite ka nila para kumanta sa said event. Do you want to?"
I smiled, "Of course, miss."
"Okay. I'll confirm it. Sayang nga e. Gusto sana nila kayong dalawa ni Aries kaso ayaw ni Aries."
Nung sinabi niya yun, nagfade naman ang smile ko. Bakit ba kailangan niyang sabihin yun? Tss.
"Sasabihin ko na lang kung anuman tomorrow, okay?"
"Thank you, miss."
"No worries. And oh, by the way, naghihintay si Drew sa labas."
Nag-iba naman agad ang mood ko at lumabas na palabas ng music room.
"Hey," I said. He turned to me. Why does he look so angry?
He grabbed my hand and dragged me papunta sa may parking.
"Aray! Ano ba!" binitawan niya ako but he pinned me sa kotse niya.
"Ikaw ba gumawa nun kay Aries nung isang araw?"
I raised a brow, "Anong gumawa?"
"Don't play innocent. Why did you do that?"
"I didn't do anything."
"Oh really?" binigyan niya ako ng matalim na tingin.
"Fine! Yes! We. Kami ni Jen. Bakit ba?!"
"Ba't mo ginawa yun?"
"Because she's a flirt! A capital S."
"Hindi siya malandi."
"Oh really?" I said sarcastically, "Ano yung nakita ni Jen na you're almost kissing sa may rest rooms? And how did you know about this? Nagpakaawa ba siya sa'yo?!"
"Tumigil ka na, Rachelle. Nagiging paranoid ka na."
"Ako? Ako pa paranoid ngayon? Bakit, Drew? May dahilan ako kung bakit ako nagkakaganito. Bakit ba mas pinapaniwalaan mo siya?! Tell me!"
"Pwede ba. Tama na. Itigil mo na to, Rach," medyo lumayo siya sa'kin.
"Bakit, Drew? Pag hindi ako titigil, ano bang mangyayari?" I said mockingly.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...