Chapter 67

3.6K 63 0
                                    

Ariesselle's POV

2 weeks na rin ang nakakalipas matapos ang opening at wala namang ka-dramahan eklavu na nangyari sa three weeks na yun.

Tapos na ang third quarter examination last last week. Nakayanan ko naman at feeling ko e perpek lahat. Talk about being arrogant! Wahaha.

Pero, gaya pa rin ng mga hinaing ko noon, mas nagkakasama si Cassandra at Allen ngayon at UBER na sila sa closeness. Pero ang nakakainis dun, pag makita ko sila, nasasabi ko pang ang cute nilang tignan. MUD! Kenes. Oo na. Inaamin ko na crush ko si Allen pero crush lang yun! Hinahangaan lang! Argh!

Napatingin yung mga tao sa room sakin dahil napapalo ako sa desk ko. Sorry nemen.

Sumilip ako dun sa curtains sa gilid ko at napatingin sa may waiting area. Biruin niyo ang instincts ko, naramdaman ko ang aura nina Rach at Drew kaya ako napasilip at tada! Andyan nga sila.

Nakita ko si Drew na napasilip sa gawi ko pero di niya naman ako makita. Wahaha. Bulag yan noh. Pero ayaw aminin kaya nagccontacts naman. Kaya naman binalik niya ang atensyon niya kay Rach. At itong si Drew, e sweet-sweetan kay Rach at etong si Rachelle, paniwalang-paniwala naman! Argh!

Napatingin ulit sa akin mga kaklase ko nung napapalo ako sa desk ko kaya napangiti na lang ako.

Ampanget talaga nung Drew na yun. May sasabihin ako senyo. Alam niyo bang narinig ko sa girl's room (pasensya chismosa) na nagsesend siya ng mga sweet quotes dun sa isang senior na kaklase lang nila?! Gesh! Grabe noh? Tapos pati na rin sakin e nagttext. At hindi lang text, kundi pati tawag na rin! Jusko. Edi ang ginawa ko, nagpalit ako ng number. Pero honestly, na-wi-weirduhan ako kay Drew. Parang... may nagbago sa kanya. Para siyang sinapian. Hay, kawawang nilalang.

Tapos si Rachelle, ayun, nagpapauto pa rin kay Drew. I STILL like him pero mas malakas ata yung disgust na nararamdaman ko. Parang he's cheating behind Rach's back! I know Rach and I aren't in good terms now pero babae rin ako kaya I ayoko namang maging apathetic noh.

At kahit na anong pilit kong ipasabi kay Dylan yung tungkol sa mga ginagawa ni Drew para iparating kay Rach, iniisip pa ni Rach na sinisiraan ni Dylan si Drew. Jusko! Napapalo ulet ako sa table.

"Aries, may problema ba? Kanina ka pa napapalo dyan sa desk mo." tanong ni Sir Pelarta. Aguy. Lagot ako.

"Ahh.. May tatlong lamok kasi, Sir. E ginagambala ako kaya ayun, pinatay ko," tapos nginitian ko si Sir Pelarta.

"Pfft. Wahahahaha!!" tawa naman tong mga klasmeyt ko. Kamusta naman, mukha ba kong nagjjoke?

"O-okay. Sasabihan ko yung janitor na mag spray ng mosquito repellent mamaya."

Nako. Ang sinungaling ko naman. Nagpunta na si sir sa platform at nagsimula ng magklase.

***

"Ay grabe ang mosquito hirit mo, Aries! The best!" sabay tawa ni Carl.

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon