Ariesselle's POV
*You've got a new message*
*You've got a new message*
*You've got--*
*Kiss kiss fall in love! Maybe you're my love!*
Napatingin ako sa phone ko. Kanina pa ako tinatawagan at tinetext ng mga kaibigan ko. Mga istorbo. Gusto ko lang magpaka-loner ngayong summer e.
Nagpalit ako ng damit. Nag-cut offs, loose-fitting indigo shirt lang ako at flip flops. Kinuha ko yung white cap ko at sinuot ito. Mukha na akong palaboy ulet.
Bumaba ako at pumasok sa living room kung nasaan ang buong pamilya.
"Aba, milagrong di ka naka-dress ngayon?" pang-aasar ni Kuya Drei.
Nung nag-fourth year ako e panay na ang gamit ko ng mas 'lady' dress dahil required sa Harmony kaya minsan na lang akong mag-pants.
"Mommy, Daddy, mag-iikot po muna ako. Matagal-tagal naman akong hindi nakakaikot dahil nag-ccar na ako."
"Oh sige. Ingat, princess ah? Baka maulit yung nangyari two years ago," paalala ni Dad.
"Opo. Sige po, bye~"
Lumabas ako ng living room at ng bahay para kunin yung bike ko sa may likod-bahay.
Dinala ko ito palabas ng gate. Sumakay na ako at nagsimula ng mag-pedal.
Haaay. Lapit na mag-May at malapit na mag-Flores de Mayo. Wahaha. Ano raw konek nun?
Nadaanan ko ang bahay nina Rachelle. Nakita ko sa labas ng bahay nila na nakaparada yung kotse ni Dylan. Si chum talaga, masyadong nahumaling kay Rachelle! Wahaha.
Nagdiretso pa ako sa pagppedal hanggang nakarating ako sa may park.
Ang dami na palang na-witness ng park na to noh? Noon, puro iyak pa ako pero pag naalala ko mga ka-dramahan ko noon, natatawa na lang ako.
Patuloy lang ako sa pagpedal hanggang sa umikot na ako sa buong subd papunta sa...
Napatigil ako sa pagppedal at nahinto sa harap nung bahay nina Allen. Hindi ko alam kung kanila pa ba to. Matagal na ring walang tao dito pero may pumupunta para maglinis.
Haaay. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Tita Ayah. Pinagpatuloy ko na yung pagbbike ko.
Kamusta na kaya sila? Ang selfish ko pala. Sana diba, kinamusta ko sila. Ayon kasi sa nasagap kong tsismis e kaya lumipad papuntang US sina Allen e naaksidente raw yung tatay niya. Haay. Baka mamaya nyan nakahanap na ng New Yorker yung si Allen. May possibility rin namang mangyari yun kasi ang gwapo kaya nun. Hindi ko lang napansin noon.
Natawa na lang ako sa mga pinag-iisip ko. Si Allen nanaman ang iniisip ko. Baka mamaya nabibilaukan na yun e. Wahahaha.
Anyway, dapat bumalik na ako at tatawagan ko pa pala si Liz. Laging ganyan ang ginagawa namin simula nung nagbreak sila. Ako yung sandigan niya.
Papaliko na ako papunta sa street namin ng...
*beep beep*
Shet. Napaliko ako at nabangga yung bike sa poste. Nahulog ako at natapon sa may damuhan.
Aray ko naman. Amp. Napatingin ako sa kanang paa ko. Uwaa. May sugat! Wala na ang mga legs ko!
Umupo ako ng maayos tapos napatingin sa bike ko. Wala na... Sira na. Aish.
"Miss, ayos ka lang?"
Mukha ba akong okay? Sows, koya. Isip isip din!
Lumapit siya sakin. Teka... *sniff sniff* amoy Possibilities.
![](https://img.wattpad.com/cover/9498374-288-k995922.jpg)
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...