Ariesselle's POV
Saturday.
And its sooooo boring! Dalawang linggo. Dalawang linggo ko ng kaklase yung Cass na yun at dalawang linggo na akong nanliit!
I know naman na maliit ako pero kelangan bang ipamukha sakin yun? Gravy talaga. Ang daming comments, suggestions at questions. Wala man lang violent reactions.
Isa pa tong si Allen. Parang biglang nag-POOF na lang yung pagkakaibigan namin! Dumating lang yung Cassandra na yan e di niya na ako pinansin! Yes, AKO! Ako lang! Sina Ria, Liz and others ay pinapansin niya!
Nakakainis talaga. Pag tinatry kong mag-open ng topic, mga one or two words lang ang isasagot! Oh diba masaya? Kaya imbes mapahiya, di ko na lang siya pinapansin. Nakakasakit sa chambers ng heart. Grr.
At dahil wala akong makausap na matino, andito ako naglalakad sa loob ng subdivision. Tapos biglang...
"Uy, Allen!"
Napalingon siya sa'kin.
"Oh."
Oh? Kelan pa ako naging si Oh?
"Mukhang may lakad ka ah?"
"Ah, oo."
Isang napakagandang sagot. Tumango-tango lang ako.
"Ah, sige. Mauuna na ko ah. Pupuntahan ko pa si Cass," nagsimula na siyang maglakad.
Ampalayang ginisa! O diba? Ang saya talaga ng pag-uusap namin! The best!
Napatingala ako, "Lord, give me strength. Give me patience."
May biglang nag-tap sa shoulder ko. Napatalon tuloy ako sa gulat.
"Isaw!" napalingon ako sa taong yun. Sus, akala ko kung sino.
"Anong ginagawa mo rito? Ang init kaya."
"Wala. Trip ko lang magpa-prito dahil prito na ang brain cells ko. I need a break."
"Tara, labas tayo."
"Potpot, bulag ka ba? Nasa labas na tayo oh."
Nasapo niya ang noo niya. Totoo naman, diba?
"I mean, tarang gumala. Ano ba yan, Potpot! Where's your brain?"
"Ouch. Teka, wala ba kayong date ni Hannah ngayon?"
"Wala. Mag-aaral pa raw siya dahil may exam sila sa Chem."
"Naku. Wala pa akong planong mag-aral. Tara na! Libre mo akong chocolate dahil naiinis ako!"
Hinila ko siya papunta sa kotse niya.
"Ganyan ka pupuntang mall?"
Napatingin ako sa suot ko. Indigo loose-fitting shirt, mid-thigh denim shorts and flip flops. Disente naman ang suot ko ah?
"Bakit? Anong masama sa suot ko?"
"Ayaw mong pumupunta ng mall na naka-shorts lang, diba? Mukha namang casual yung suot mo pero baka titignan ka dahil sa shorts mo."
Natawa naman ako.
"Honestly, Potpot, sa daaami ng chismis na kumakalat sa school tungkol sakin, wala na akong pakealam sa mga sasabihin ng iba. Sandali at tatawagan ko si Kuya Drei. Magpapaalam ako."
Medyo lumayo ako sa kanya. Gusto ko lang ibahin yung subject dahil ayokong magtanong siya.
***
"Ayos ka na? Nilibre na kita ng bavarois ah."
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...