Ariesselle's POV
"Uy, kumain ka na kaya."
"Oo nga. Pag ikaw di kumain baka pumayat ka nanaman."
Kasama ko ngayon sina Enzo at Rein. Kami ang magkakasama kapag may date yung anim.
"Rein, diba nanliligaw si Enricko sayo?"
"Huh? Ah, hindi na," namula siya.
"Bakit?"
"Kasi, may iba na siyang gusto. Si Cass."
"Okay lang sayo yun?"
"Oo naman. Di ko naman siya gusto."
"So kung liligawan ka ni Kuya Drei e may pag-asa siya?"
Mas namula naman siya.
"Bakit mo ba tinatanong yan kay Rein, kumare?" tanong ni Enzo sabay subo nung hotdog.
"Wala naman. Yun lang naman ang naiisip ko. E ikaw Enzo, may nililigawan ka ba?"
"Ako? Wala."
"E crush?"
"Wala."
"Tao ka ba?"
Tumawa lang sila ni Rein.
"Pasensya na ah. Medyo nagiging weird na rin ako e."
"Noon ka pa weird."
"May nangyari ba?" tanong ni Rein. Napabuntong hininga na lang ako at ininom yung frappé ko.
"Alam niyo na... mga kumakalat na chismis tapos dumagdag pa si Cass at hindi ako pinapansin ni Allen."
"Bakit nga ba?"
"Malay ko dun. Naiinis ako kasi hindi ko alam kung bakit di niya ako pinapansin. Hay maloloka ako kakaisip kung anong ginawa ko sa kanya."
"Baka may dahilan si pareng Allen. Wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano. Kumain ka na. Bawal ka magpalipas gutom, kumare."
Nagsimula na akong kumain nun. Gusto ko nga kausapin pero lagi na lang wala sa tiyempo.
Sana diba sinasabi niya sakin hindi yung parang binabalewala niya lang ako? Para lang akong hangin e. Worst, katabi ko pa siya sa class. Naiinis talaga ako dahil wala man lang akong kausap. Haaay.
"Enzo, tanungin mo kaya si Allen. Baka may nagawa akong kasalanan."
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...