Ariesselle's POV
Nakahiga pa rin ako sa kama. Nakatingin sa kisame. Pupunta o hindi?
"Kapatid! Alas 8 na. Bumangon ka na dyan at kumain dun," pumasok si Kuya Drei sa kwarto ko at binuton yung polo uniform niya. Tapos tinignan yung reflection niya sa full-length mirror ko.
"Kuya, gwapo ka man ngayon."
Napaatras naman siya tapos nanlaki ang mata. Lumapit siya sa akin at pinakiramdam yung noo ko.
"Nilalagnat ka ba? Milagrong sinabihan mo akong gwapo ah."
Tinanggal ko ang kamay niya. Minsan ko na lang nga siya sabihan ng gwapo, iisipin pang nagjjoke ako.
"Ano ba, kuya. Psh. Umalis ka na nga."
"E ikaw kasi. Napaka-random ng pinagsasabi mo. Teka, hindi ka ba pupunta ng school? Last day na to ng school festival niyo. Di ka ba pupunta?"
Napa-sigh ako. Nakakainis kasi. Ang plano e magkasama kami ni Drew e. Ang kaso nga, ampanget tignan dahil may girlfriend siya at lalabas daw na mang-aagaw ako. Kaya instead kami magkasama, sila ni Rachelle.
E sa ginagawa namin, pang-aagaw naman ang tawag dito, diba? Argh. Nakakainis naman ako. Ano ba tong pinaggagagawa ko?
"Tara na nga sa baba," tumayo na ako mula sa pagkakahiga at sinuot ang slippers ko. Lalabas na ako ng kwarto ng pigilan ako ni kuya.
"Teka, ganyan ka bababa?"
Napatingin naman ako sa suot ko. Naka-pjs pa ko na may spongebob designs at shirt na may patrick star designs. Maayos pa naman ang buhok ko. Anong problema kung ganito ako bababa?
"Yes. Baket may problema ba? Hay naku, kuya. Bumaba ka na."
Lumabas na ako ng kwarto at half-way na ng stairs ng may nakita akong nakaupo sa living room na nakatingin sakin.
Lumapit ako sa kanya. Anong ginagawa neto dito?
"Oy! Bat andito ka e ang aga pa?"
Napa-cross arms ako at taas ng kilay ng nilabas niya yung phone niya and took a picture of me.
"Para saan naman yun?"
"Remembrance. Headline: Ariesselle Neil R. Francisco in pajamas."
Nanlaki ang mata ko at hahablutin dapat phone niya pero napatigil ako. Di pa pala ako naliligo. Nakakahiya naman.
"Sabi sayo dapat nagbihis ka man lang muna," sabi ni kuya habang papasok sa living room.
"Excuse me? Di mo kaya sinabi. Tsaka bakit di mo sinabi na may bisita ako?"
"Sabi niya surprise e."
![](https://img.wattpad.com/cover/9498374-288-k995922.jpg)
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...