Chapter 26

4.6K 80 0
                                    

Allen's POV

Nasa caf na kami ngayon. Naka-order at natapos na akong kumain, wala pa rin si Destiny.

"Liz, saan si Destiny?"

"Tinatawagan nga namin e di naman sumasagot. Ay naku!"

"O sige. Baka nasa taas yun. Sige, hahanapin ko. Kain na kayo dyan."

Kinuha ko yung bag ko at lumabas na ng caf. Sina Liz at Ria kasi e di pa nagagalaw pagkain nila. Alam kong nag-aalala mga yun kay Destiny.

Paakyat na ako ng stairs ng may makasalubong akong dalawang babae.

"Hi, Allen!" teka... kilala ko ba sila?

"Uhm.. Hi. Ano may itatanong sana ako."

Lumiwanag bigla yung mga mukha nila, "Ano yun?"

"Uhm.. Nakita niyo ba si Aries?"

"Kanina nakita ko siyang lumabas ng workroom at kausap si Drew eh, kaso nakita ako nung dalawang kaibigan niya at pinaalis ako ng second floor," sabay pout niya.

"Ah, sige. Salamat. Nga pala, anong pangalan niyo?" ayoko namang maging rude noh.

"Ako si Sarry," sabay extend niya ng kamay niya. Kinuha ko ito.

"Ako naman si Sarah," ginaya niya naman ang ginawa ni Sarry.

"Ah. Salamat, Sarry, Sarah. Sige, mauuna na ako ah. Ingat kayo," ngumiti ako at umakyat na sa hagdan.

"KYAAAAH!" Napatigil naman ako. Ba't naman tumili yung mga yun? O.o

***

Inikot ko na ang buong main building, pinuntahan room by room, nagtatanong sa janitress kung napansin niya ba si Destiny, inakyat ang rooftop, at inikot ang buong parking lot.Saka ko lang na-realize... May phone nga pala ako. Tungeks lang e noh?

Tinignan ko yung text ni Liz.

Len, ngtxt c Rie. umuwi na raw sya. wag ka ng mghanap. tnx nga pla.

Maniniwala na sana ako e, kaso nakita ko si Destiny na lumabas ng main building.

Mula sa field, tinakbo ko hanggang waiting area. Nandun siya e, nakaupo.

"Destiny!" hindi man lang niya ako nilingon. Umupo ako sa tabi niya.

"Uy! Ano ba? Bakit sinabi mo kina Liezel na umuwi ka na ha?! Alam mo bang kanina ka pa nila hinahanap?" hindi siya sumagot.

"Grabe ka! Pinagod mo ko! Inikot ko na buong school di kita makita! Naku! Hiningal pa ko kakatakbo!"

Tinignan ko siya. Parang wala siyang narinig ah?

"Destiny! Huy!" at dahil gusto kong magpataray epek. Tumayo ako.

"Sige. Ayaw mo ata ng kausap e. Aal--"

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Nilingon ko siya.

"Allen... pwede bang... dito ka muna para sa akin?"

Napatigil ako sa tono ng boses niya. Ano ba problema nito? Napaupo ako agad.

"Andito lang ako. Wag kang mag-alala."

"3 years ago, may isang babae na napunta dito. Open house nila yun tapos na-late siya. E dahil wala naman siyang kilalang mga tao dito, ayun, naligaw siya. At nung araw na yun... nakilala niya ang lalakeng yun.

"Simula nung araw ng open house, lagi niyang in-imagine yung lalake. The way he smiled and looked at that girl. Tapos, dahil dun, nagdecide yung girl na dito na mag-aral. Mula nun, lagi niyang natatanaw yung lalaki. Practice games, match, at lahat. Lagi niyang pinupuntahan yun as a support sa lalaking yun. Hindi niya namamalayan, masyado ng nahuhulog ang loob niya sa lalakeng yun."

At alam ko na kung sino tong kinukwento niya. Nagpatuloy lang ako sa pakikinig.

"Alam niyang may girlfriend yung lalake. Pero iniisip niya, syempre, crush lang naman tsaka imposibleng mapansin sya nung lalake. Pero may miracle ata talaga e. Nung kalagitnaan ng pagka-freshman niya, nagsimula na silang maging magkaibigan nung lalake. Really close friends.

"Dun pa lang, sobrang saya na niya. Pero natural na sa mga tao ang humingi ng mas higit pa. Kaya ayun, pinagpala siya, after 2 months ng break up e niligawan siya nung lalaki. Ni minsan, never nag-cross sa mind niya na panakip-butas lang siya. Sa sobrang sweet kasi nung lalaki, ramdam niya yung sincerity."

Bigla siyang ngumiti. Pero sa malayo pa rin siya nakatingin.

"Tapos ayun. She sacrificed everything to him. Pinagpalit niya yung mga kaibigan niya para dun sa lalakeng yun. Nagsinungaling siya sa pamilya niya dahil bawal pa siyang magka-boyfriend. Akala niya, worth it ang lalakeng yun. Worth it ng lahat lahat pero ayun, sasaktan lang pala siya."

Umiyak na siya nun. Hindi ko siya pinigilan. Ngayon lang siya naglabas ng sama ng loob kaya gusto ko, ilabas na niya lahat.

"Nung matapos sa sophomore year yung babae, dun na nagsimula. Hindi kasi siya pinayagan na lumabas ng bahay. Masyadong strikto mga kuya nun e. Nabalitaan niya na lang na bumalik yung ex nung boyfriend niya. Hanggang isang araw, tinawagan siya nung lalaki... kelangan daw nilang mag-usap.

"Pumunta yung babae. Ilang araw din kasi silang di nagkita nung lalake. Masayang-masaya pa siya tapos yun pala makikipagbreak yung lalake sa kanya. Ang dami ngang sinabi nung lalake pero wala... wala e, hindi na magcchange yun."

She wiped her face furiously.

"Tapos, ayun, nagpaka-bopols yung babae. Sumakay sa bike niya tapos mabilis magpatakbo habang umiiyak tapos ayun... karma, eh. Naaksidente siya."

Naaksidente?

"Sa sobrang bilis niya kasing magpatakbo, di niya nakita yung mga bato na nakapatong-patong sa ginagawa pa lang na bahay. Lumipad siya mula sa bike niya at nawalan ng malay. The next thing na nangyari e nasa ospital na siya."

Woah. Hindi nababanggit nila Ria at Liz to ah.

"Nagkaroon ng bone fracture at head injury yung babae. Hindi naman grabe yung injury. Nagkaroon lang konting blood loss pero okay na. Closed fracture lang naman pero grabeng sakit ang dinulot nun sa babae. Pinagalitan siya ng parents niya, hindi kinausap ng mga kuya niya at grabeng sama ng loob natanggap niya mula sa mga kaibigan niya. Pero in the end, ayun, pinatawad siya ng lahat."

Tinaas niya yung kaliwang paa niya at tinaas ang jeans niya.

"Kita mo yan? Yan yung natamong scar nung babae. Pati eto rin," hinawi niya yung bangs niya at nakita kong may scar din sa gilid ng ulo niya, "Sabi pa ni Mommy, pwede namang lagyan ng ointment para mawala pero ayun, ayoko dahil iniisip ko, yung mga scars nato e nag-ssymbolize how much I love that guy."

"But then... nung nakausap ko siya kanina. Nawasak lahat. Akala ko may chance pa e. Akala ko sasabihin niya na yung three little words. Selos na selos kasi siya sa'yo tsaka kay Vin. As if naman."

Ayun nanaman, umiiyak nanaman siya.

"Saka ko lang na-realize... ang selfish niya, Allen. He doesn't want me to be happy. Gusto niya kanya lang ako. Paano naman ako? Durog na. Ang sakit e. Ang sakit-sakit lang."

Niyakap ko siya. At dun siya nag-iiyak sa balikat ko."Sige lang. Iiyak mo lang. Andito lang ako, Aries. Di kita iiwan."

Kasasabi ko lang kanina na ayaw na ayaw kong may nakikita akong umiiyak na babae e..

Pero ngayon... andito ako, dinadamayan yung taong gusto ko na iniiyakan yung taong mahal niya.

Ang sakit pala. Pati ako nadudurog na.

--

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon