exit muna tayo kina Aries ah? :D
Hannah's POV
"Ate, eto na po lahat."
Ini-scan niya na yung mga pinamili ko.
"150 php po lahat."
Ibinigay ko na yung pera sa kanya.
"Miss, kilala mo ba yung mga lalakeng yan?" tanong niya habang inilalagay sa bag yung mga things ko.
"Hindi po e."
"Ganun ba? Ingat ka, ah. Kanina ko pa kasi nakikita sinusundan ka nila. Gabi na rin e. Wala bang susundo sa'yo?"
Umiling ako. Friday ngayon at gagabihin ng uwi yung kuya ko kaya wala ako kasabay umuwi. Kanina ko pa rin napapansin tong mga lalakeng to. Kung di ako nagkakamali, galing sila sa public school.
Hindi naman sa nanghuhusga ako pero nangyari na to twice. Buti nung una e may kasama ako tapos yung next e may nakakitang guard. Pero ngayon...
"Hi, miss!" sabi nung isa. Di ko siya pinansin.
"Grabe mga babaeng taga-private e noh? Ang susungit." -Guy 2
"Sinabi mo pa. Porke't mayaman e," inakbayan ako nung pangatlong lalake.
"Pwede ba?!" tinanggal ko yung kamay niya at mabilis na naglakad papalayo.
"Huy! Tingin mo makakaalis ka bigla?!" grinab niya yung dalawang wrist ko. Ang sakit.
"Ano ba kailangan niyo?! Ang sakit. Aray! Ano ba?!"
"Ikaw kasi, Miss. Nagpapakilala lang pakipot agad." -Guy 1
"Maganda ka sana e. Sayang." -Guy 3
"Uy pare! Bingo tayo! Tignan mo, taga-St. Denis!" -Guy 2
Tumawa naman sila. Kainis. Kinakabahan na ko dito.
"Bah, mayaman pala talaga to. Oy, miss. Bigay mo na lang pera mo, para okay tayong lahat." -Guy 1
"Anong kala niyo sakin? Gayo niyong tanga?"
Sinampal naman ako nung isa.
"Bah, di porke't nasa last section kame e pwede mo na kaming tawagin niyan ah."
"Bigay mo na kasi, Miss. Mas gusto mo ata masaktan e."
"O yan. 50 php. Yan lang pera ko," tinapon ko yung 50 sa kanila.
"Wag mo nga kaming niloloko! 50 php?! Yan lang pera mo? Ano ba yan!"
Tinulak niya ako kaya napaupo naman ako sa semento. Kinuha nila yung bag ko at naghalungkat dun.
Oh no. No, no, no, no!
"Don't touch that!" kukunin ko na sana yung bag ko pero tinulak niya ako ng mas malakas.
The next thing I know... may tumutulong na sa'kin.
Alvin's POV
Katatapos lang ng practice namin for soccer.
"Sige, pre. Mauna na ko ah. Gabi na e."
"Sige!"
Umalis na ako sa locker room at pumunta na akong parking.
Sumakay na ko sa kotse at lumabas na ako ng school. Buti na lang at di ma-traffic e.Napadaan ako sa may isang department store tapos may nakita ako... aba, eto yung sa mall last week e. Teka... aba't!
Pinark ko yung kotse sa gilid at lumabas na. Tinawid ko yung kalsada papunta dun sa grupo ng mga kalalakihan. Tsk. Nag-promise na ko kay Potpot na di na makikipag-away e.
![](https://img.wattpad.com/cover/9498374-288-k995922.jpg)
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...