Ariesselle's POV
Habang nasa Greenwich kami ni Alvin, iknwento ko sa kanya yung tungkol sa nangyari kanina. Yung tungkol kay Rachelle.
"Aba! Akala mo naman kung sinong gwapo yang si Drew ah. Obsess yung Rachelle sa kanya? Kahit na sabi mo e sexy yun, baka bratinela yun e. Bakit kasi yun pa yung pinili mo? Ang dami namang ibang lalake dyan noh. Maghanap ka na ng ibang lalaki at masama yun sa kalusugan mo. Feeling ko naman, mas gwapo pa ako dun e."
Umandar nanaman ang pagka-mahangin niya.
"Oo na. Ikaw na ang gwapo at ikaw na ang pinakamahanging taong nakilala ko."
"Totoo naman e. Base sa mga sinasabi mo, walang kwenta talaga yang Drew na yan. Pag nakita ko yan, masusuntok ko talaga yun!"
"Aww. Na-touch naman ako."
"Wag kang feeling. Susuntukin ko siya kasi feeling niya mas gwapo siya sakin at nagkagusto yung Rachelle sa kanya."
Binatukan ko nga at sinipa. Sexy? Ano naman kung sexy e panget naman ang ugali! Pare-parehas lang kayong mga lalaki! >.<
"Heh!"
"Joke lang, potpot. Ikaw naman, di mabiro. Masyado kang seryoso sa buhay. May puting buhok ka na oh, para ka ng si Maria yung sa VK."
"Maganda naman."
"Oo na, oo na. Maganda ka na, di na ko kokontra," eto gusto ko ke Alvin e, pagkagandahan na pinag-uusapan, never niya akong sinabihang panget. :P
Kinain na namin yung order namin tapos iuuwi yung isa pang box sa bahay namin. Doon na lang daw siya magpapasundo sa drayber nila.
Nag-cab lang kami ni Alvin pauwi. Maarte yan e, ayaw makisiksik sa jeep. Ayaw daw niyang madikitan ng bacteria. :D
Since di naman pwedeng pumasok yung taxi sa loob, naglakad na lang kami papasok ng subdivision.
Tawa pa nga kami ng tawa ni Alvin e, ng pagkalingon ko, nakita ko si Drew... nakatingin sa amin ni Alvin.
Iniwas ko agad ang tingin ko at patuloy sa paglalakad. Buti na lang di pa siya nakikita ni Alvin. Hay. Sa totoo lang, di alam ni Drew na may best friend akong lalake. Ang alam niya lang si Ria at Liz lang. Nakkwento ko naman si Drew ke Alvin pero NEVER ko sila pinakilala sa isa't isa. Alam ko kasing pagbabawalan ako ni Drew at ayokong magalit si Vin.
"Drew!" uh oh.
"Oh, Rachelle."
"Kanina ka pa?"
"Medyo."
Aaaargh! Kailangang ipagsigawan niyo mga pangalan niyo?! Kuso! >.<
"Teka potpot, Drew at Rachelle... Coincidence lang ba na pangalan yun ng ex at girlfriend ng ex mo?"
Bago pa man ako makasagot...
"Aries?!"
Lumingon ako at nakita ko na papalapit sa'min sina Rachelle. Eto ba ang tadhana ko?
"Hindi ko alam na taga-FS ka rin!"
Di niya raw alam... naniniwala talaga ako. E nung huling nagbike ako e nag-smirk pa nga sakin. =_=
"Oo, tagadito ako," siniko naman ako ni Alvin. Argh."Nga pala, si Alvin... best friend ko. Potpot, sina Rachelle at Drew," nagkamay si Drew at si Alvin.
"I heard so many things about you." -Alvin
"I never heard stories about you." -Drew
Tapos kinamayan din ni Alvin si Rachelle.
"Ah, sige ah. Mauuna na kami. Baka lumamig yung pizza at baka nagugutom na sina Kuya Drei at Kuya Ae."
"Ah, sige. Ingat!" sabi ni echuserang feeling close na si Rachelle.
Naglakad na kami papuntang bahay. Ngayon ko lang na-realize, naka-jersey pa si Drew. Kagagaling niya lang ba sa game? Alam ko laban nila ngayon at ng St. Anne's e, chinika ni Allen sakin.
Yung lalakeng yun talaga, napaka-chismoso. Teka... speaking of Allen..
"Potpot."
"Oh?" sagot niya na nakakunot noo.
"Alam mo ba, may transferee akong kaklase."
"Oh tapos?" mas kumunot pa noo niya.
"Taga-St. George's. I wonder kung kilala mo siya. Sabi niya kasi sikat daw siya e."
"Ano bang pangalan?"
"Allen. Allen Herrera."
"Di ko kilala," ang bilis namang sumagot nito.
Binatukan ko siya, "Ang bilis mo sumagot!"
"Potpot naman kasi e! Anong kala mo sakin, fanboy?"
"Baboy, pwede pa. :P"
"Ano? Gwapo?"
Sinipa ko nga. Tumawa na lang kami.
Lenye tong si Allen! Akala ko naman, sikat na sikat talaga siya. Di naman pala siya kilala ni Vin.
--
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...