Ariesselle's POV
Its been a week. Hell week full of nightmares. Its been a week after the Prom and its been a week na rin with effortless na pag-iiwasan namin ni Allen.
Wala akong pakialam kung hindi niya ako kausapin at wala siyang pakialam kung ayaw ko siyang pansinin.
Pero kung kami e walang pake, ang buong Class B e may pakealam.
Andito kami ni Allen ngayon sa workroom. Pinatawag na kami ng adviser namin dahil kahit siya eh napapansin na ang di namin pagpapapansinan ni Allen.
"Aries, Allen, pwede bang sabihin niyo sakin kung anong problema niyong dalawa?" sabi ni Sir Pelarta.
Tahimik lang ako nakatingin sa table ni Sir. Etong kaharap ko e sa mga libro nakatingin at hindi nagsasalita. Kaya nagpatuloy na sa pagsasalita si sir,
"Ako ang class adviser and it is my responsibility kung ano ang nangyayari sa klase ko. Look, ako na adviser niyo e ang second parent niyo na. Pareho pa kayong nasa abroad ang mga tatay kaya ako ang tumatayong magulang niyo pag nasa school kayo. So, please, tell me kung anong nangyari. Makikinig ako at kung anong mapag-usapan natin e sa atin lang."
"Wala po," sabay naming sagot pero di pa rin makatingin kay Sir Pelarta.
Napa-sigh na lang si sir. Di na kinaya ng powers niya ang tigas ng ulo namin.
"Okay then. Sana maging okay na kayong dalawa. Papatapos na nga ang school year e ganyan pa kayo."
"Ah, sir, nga po pala, may sasabihin ako," sabi ni Allen.
Pinulot ko na yung bag ko at tinignan si sir, "Goodbye, sir."
Tumayo na ako at naglakad papunta sa exit door ng workroom.
Haaay. Napatingin na lang ako sa phone ko ng nag-vibrate ito.
From: Rein
Aries, nauna n kmi umuwi. Psenxa na ah, nangangati na kc umuwi si Liz. Sbi p nga nla Ria e punta kmi sa bhay niyo ukas. I-redi mo n raw ang tissues sabi ni Liz. Ingat pauwi ah? See you bukas.
For sure, bobobombahin nila ako ng mga hurtful truths bukas. Patama pa naman talaga ang tatlong yun sa pagsasalita. Pero kailangan kong kausapin si Hannah.
Hay. Nightmares. Ma-problema talaga ang buhay. Bumaba ako ng stairs at nagdiretso ako papunta sa garden ng school. Minsan lang ako pumunta rito kasi sabi nila, may estudyante na raw ang nagpakamatay dito. E parang mas gusto ko pa ata makausap ang mga multo kesa mga kaibigan kong alam kong magpapatino sakin.
*sigh* Alam na ni Hannah lahat. At hindi niya ako kinakausap, hindi niya na kami sinasabayan pag break, tuluyan niya na kaming nilalayuan. Ang masakit dun, ako lang may kasalanan pero nadadamay sina Ria, Liz at Rein.
Maraming kumalat na tsismis tungkol sakin, tungkol kay Drew, tungkol kay Allen. Maraming nagsasabing nagttwo time si Drew. Maraming nagsasabing ang landi ko. Maraming nagsasabing masama kami dahil pinagtataksilan namin mga kasintahan namin. Pero pakealam ko ba sa mga sinasabi nila?
Isa pa to, akala ng marami e boyfriend ko si Dylan. Pag magkasama kami e may mga schoolmates pala ako sa paligid kaya kung ano-ano ang sinasabi.
Sa sobrang dami ng pinoproblema ko, minsan e ayaw ko ng problemahin. Kung tutuusin, ang babaw lang ng problema ko. Maliit lang dapat e pero pinapalaki ng iba. Pero kung iisipin, pag-ibig lang naman ang punot dulo ng lahat ng to. Bakit kasi pinoproblema ang pag-ibig? Josko.
Napatingin ako sa fountain. Naalala ko na lang yung nangyari nung prom. Bumalik lahat. Pero isang sentence lang ang paulit-ulit na nagpplay sa utak ko. Sa isang sentence na yun, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...