Chapter 44

3.9K 62 1
                                    

Ariesselle's POV

No netbook. No friends. No facebook. No twitter. No multiply. No update. No manga. Wala na akong social life!

"Neil! Ano pang ginagawa mo riyan? Hali ka na rito at na-miss ka na ng lola!"

Bumaba na ako ng van at pumunta sa may gate ng bahay. Na-miss ko ang probinsya!

"Lolalita! Miss na miss kita!" sabay hug ko kay lola.

Tuesday na pala ngayon. Nairaos naman ng maayos yung school fest at masaya naman yung closing program. Kaya nga umuwi kame rito sa probinsya para sa araw ng mga patay. 2 days din naman kami rito.

"Naku bata ka! Ilang buwan lang kita di nakita pero parang pumayat ka yata?"

"Ah ano po oh... busy po sa studies."

"Naku, lola, diet daw siya kasi mag-17 na siya sa March!"

Pinigilan kong sagutin si kuya. Papagalitan ako ni lola e.

"Bata ka pa para mag-diet, hija! Tara sa loob at pinaghanda ko kayo. Kumain ka ng kumain para di ka pumapayat!"

Tumaba na kaya ako ng konti noh. Nakikita nga ni Allen ang progress ko. Parang siya yung fitness consultant ko. Meron ba nun?

Pumasok na kami sa bahay. Yari sa kahoy yung bahay ni lola tsaka yung style, parang yung mga sinaunang bahay. Ang laki nga e, minsan natatakot ako rito. Feeling ko may mumu.

"NEIL!!" bigla akong hinila ng kung sino man mula sa pagkakahawak ni lola tapos binigyan ako ng isang bone-cracking hug.

"Top! Wag mo solohin!" bigla nanaman akong hinila mula kay Kuya Top at hinug ako.

"Ako rin!"

"Neil! Gumaganda ka ah!"

Pagkatapos ng apat na nakakamatay na yakap, pinakawalan na rin nila ako. Thank you, Lord.

"Naku! Na-miss ka namin insan!"

"Aba! E kami ni Andrei, di niyo na-miss?"

"Ah wala ka, Aethan! Ka-miss miss ba kayo?"

"Gumanda si Neil. Tiyak, marami-rami nanamang aaligid dito."

"Sus! Nasanay lang kayo na pare-parehong mukha nakikita niyo noh. Kamusta na mga kuya?"

Ipapakilala ko sila ah. Sina Kuya Top, Kuya Chris, Kuya Brylle at Kuya Harry. Mga pinsan ko sila sa paternal side and yes, lahat po sila lalake. Ako lang po ang nag-iisang babae.

"Gwapo pa naman kami. Ang layo naman kasi nung syudad niyo samin e."

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon