Allen's POV
Almost 4.30 na rin nung matapos ang meeting namin para sa school paper. The Illuminance. Lakas maka-physics eh!
Nakasabit sa leeg ko 'yung dslr cam ko. Lumabas na ako ng office at hinihintay yung dalawa.
"Oy, lakas maka-photographer ah!"
"Photojournalist e." Bumaba na kami ng hagdan. Nasa lobby na kami. Nakita namin si Arianne at Liezel na naghihintay dun.
"Sige, bro. Una na kame."
"Ingat!" kumaway lang sina Arianne at Liezel sakin kaya kumaway lang din ako.
Ngayon na ang chance para maglibot dito. Bumaba ako sa cafeteria at lumabas sa exit door. Nagsimula akong kumuha ng photos. Malawak kasi dito e. At klarong-klaro ang mga bundok.
Patuloy lang ako sa pagkuha ng litrato hanggang nung pagtutok ko nung camera, nakita ko si Destiny. Nakaupo siya sa pinakadulong bench sa waiting area. Makuhanan nga to.
Normal lang naman yung itsura niya. Maganda, pero iba kasi parang... parang hindi siya? Naiintindihan niyo naman siguro ako diba? Ang lungkot kasi ng itsura niya. Parang ilang sandali na lang, iiyak na. Ganyan din ang itsura niya pagkabalik niya sa room galing sa banyo. Problema neto?
Di ko napansing naglalakad na pala ako palapit sa kanya. May sariling pag-iisip ata tong mga paa ko.
"Uy," Umupo ako sa tabi niya. Napatingin siya sa akin, "Ganyan ka ba lagi?"
Bigla namang nag-iba yung facial expression niya. Mas gusto ko yung mukha siyang puzzled kesa yung malungkot ang mukha niya.
"Huh?"
"Lagi kasing parang ang lalim ng iniisip mo e. Kung may contest ng palaliman ng iniisip, baka nanalo ka na."
Hinampas niya ako, "Tumigil ka nga."
"Nga pala, ba't andito ka pa?"
"Hinihintay ko kuya ko. Sabi ko kasi sa kanya, 5 na ako lalabas ng school kasi may tatapusin pa akong requirement."
"Oh? Natapos mo daw?"
She shrug, "Wala naman talagang requirement. Gusto ko lang mapag-isa... ngayon naman, ginambala mo na ako."
"Anong ginambala? Wala akong ginagawa sa'yo."
Bumalik nanaman siya sa pagsspace out niya.
"Uy..." sinundot-sundot ko siya."Ano?"
"May joke ako." Sabi ko. Ewan ko ba, gusto ko lang siyang mapatawa. Argh. Mais. =_=
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...