trip kong mang-away ngayon kaya maraming nag-aaway ngayon. Wahaha. Evil ako now. :P
Hannah's POV
I'm starting to feel uneasy. Bakit nga ba ako kinakabahan?
Anyway, Sabado ngayon. Kahapon e walang pasok dahil pagod ang mga juniors at seniors. Tina-try naming i-contact si Aries pero cannot be reached. Pero sabi naman ni Rein e okay na raw si Aries. Nagkalagnat lang.
Pero sana talaga okay lang sila ni Allen. Ang bulag talaga ni Pielabs e!
"Hannah?"
Napatingin ako sa nagtawag ng pangalan ko. Anong ginagawa neto dito?
"Oh, Cass. Anong ginagawa mo rito?"
"Dito ako nag-aral before transferring to St. Denis. Di mo ba alam?"
"Ah. Nalimutan ko."
"Di ka ba papasok?"
"Di naman ako makakapasok e."
She smiled. Kahit di kami close, I think mabait naman to.
"Tara. Ako bahala sa'yo."
Sa loob-loob ko, parang ang weird naman nun, diba? Pero sige na nga. Kesa papakin ako ng mga lamok dito.
Sabay kaming naglakad papunta sa main gate ng St. George. Eto ang unang beses na nakapunta ako rito at isa lang masasabi ko. Maganda. Mas maganda kesa sa St. Denis.
Nasa may guard post na kami nung nginitian lang ni Cass yung guard at pinapasok na kami. Sosyal nemen. Ano yun, ganda lang panama ng guard? Kung ganun, sana pala kanina pa ko pumasok. Wahaha.
Habang papasok kami, nakita ko yung whole school. Ang layo ng gate mula sa main building. Kaya kung late ka na, siguro mga 15 minutes walk ang kelangan mo makarating ka lang sa room. Gaya ng Denis, 6 floors meron ang St. George pero ang kaibahan, mas malawak yung sakop ng main building nila.
Walang masyadong estudyante ngayon. Puro mga naka-jersey at cheerleading uniforms ang nakikita ko. May ilang mga parang normal lang pero yung mga naka-porma talaga. I imagine kung anong klaseng buhay meron sina Kuya Ae at Kuya Drei dito. Paano na lang kung natuloy na dito nag-aral si Aries, diba? Hay. May mga tanong talaga na di masasagot.
"Gayle!"
Gayle? Who's that?
Napatingin ako sa group of girls na ang porma e pang kolehiyala na. Ehem. Si Cass din pala.
"Gals!" sigaw ni Cass. Siya si Gayle?
"OMG. What are you doing here? How are you na? Ghad, we miss you!" sabi nung isang mukhang sosyalera. Pero the way niya sabihin yun, feeling ko hindi totoo.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
JugendliteraturBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...