Ariesselle's POV
Tuesday morning.
Yez! Walang Chemistry at World History ngayon dahil sa assembly na yan! Masaya! :D
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan, ah?"
"Masaya lang ako, Liz at walang Chem ngayon. May recitation pa naman tayo dun."
"Naku. Kung gano ka kasaya, ganun naman kabusangot tong isa," tumingin si Liz sa direksyon ni Ria.
"O? Bakit ganyan yan?"
"Nag-aral daw talaga siya kagabi. Hindi kasi nakikinig kay President Hannah kaya ayan. Muahahaha," tumawa siya nung nakitang papalapit si Ria. Eto talagang si Liz.
"Cheh! I hate you, Liz! Tara na nga, Rie. Ayoko na kay Lizzie," sabay belat ni Ria kay Liz. Alam naman kasing ayaw na ayaw ni Liz na tinatawag siyang Lizzie coz its too girly. :P
"Che!"
At lumabas na kami ng room para magbreak.
"Uy, paano pala kayo nagkakilala ni President Hannah? Kahapon mo lang nakausap pero parang close na close kayo ah?"
"Alam mo naman si Aries, Lizzie. Feeling Close yan!"
"Ria, sa ating tatlo, ikaw lang ang feeling close."
"Ang sama niyo sa'kin. T^T"
"O pano na?" sabi ni Liz, di pinansin si Ria.
"Ah, wala lang naman. Nagkita kami sa mall, nagkausap, yun."
"Sino kasama mo nun?"
"Si Alvin. Baket?"
"Wala lang naman. Malay ba namen na si Allen ang kasama mo. Ayeeh~"
I rolled my eyes. Patuloy lang nila akong inasar hanggang sa nakabili na kami, nakakain at papunta ng audi. Yan ang hobby nila, ang mang-asar.
At sa mga pang-aasar din nila nagsimula ang lahat.
***
"Okay, ang play na gagawin natin is 'Destiny's Way'. Yung story e magsisimula sa kung paano magkakakilala yung dalawang bida at magkakakilala sila... sa school na to." sabi ng over-all chairman ng junior.
"Ahww.."
"Magsisimula yun nung nagkaroon ng school fair. Sa school fair magkakakilala yung dalawa. Matanda ng 1 taon yung lalaki kesa sa babae at nagkagusto yung babae sa lalaki. Yun yung reason kung bakit nagdecide yung babae na mag-aral dito."
Baket parang pamilyar ang story?
"Naging sila nung lalaki, masaya naman ang relasyon nila pero nagkaroon sila ng problema, bumalik yung ex-girlfriend nung lalaki."
Napatingin yung mga tao sa'kin. Aba? Anong tinitignan nila?
"Naghiwalay sila nung bidang babae nung grumaduate yung lalaki. After 6 years, nagkita sila ulit.""So, magkakabalikan sila ulit?" tanong ni Ria. Echosera to.
Ngumiti naman si Madam Chairman, "Na-realize nung lalaki na mahal pa rin niya yung babae. At ayaw niya ng i-waste yung chance niya kaya nagpropose siya sa babae."
"Tapos, ma'am?" ang atat naman ng mga juniors na to!
"Tapos nalaman niya na lang na may fiancé na ang babae at masaya na ito sa buhay niya."
"E baket 'Destiny's Way' ang title, ma'am?"
"Dahil yun yung tadhana nila. Sometimes, when we have the thing that makes us happy, we ought to find something else, yung mas hihigit pa. We didn't realize that what we already have is the best... until we lose it. Na-gets niyo ba yung point?"
"Yes, ma'am. Pero, di ba malungkot yung ending kasi di sila nagkatuluyan?"
"Students, sa buhay, hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin. At hindi lahat ng meron tayo ay habang buhay ng sa atin. Everything happens for a reason. Kayo na mag-isip kung ano nga ba ang reason kung bakit di sila nagkatuluyan dahil ang gagawin natin ngayon ay i-discuss ang cast, crew and all."
Kinuha ni Madam Chairman ang list niya. Since 90 students lang naman kami per year, malamang lang ay hindi kami mapipili noh.
Nagdiscuss lang si Madam dun, di na ako nakinig. Di naman ako interesado dyan e.
"Kakatawa naman, Destiny. Parang storya lang ng buhay mo ah."
"Ungeks ka. Hindi naman talaga ganun."
"Ayaw mong ganyan maging labstory mo?"
OO. Ayoko. Dahil hanggang ngayon e pinapangarap ko pa rin na magkakabalikan pa rin kami ni Drew AT kaming dalawa ang magkakatuluyan sa huli.
Oh, ano ba! Walang masama sa mangarap! :P
"So, magsstart ang audition sa Saturday. 10 am. We will distribute a part ng script bukas. Okay? You may go now."
"Hala, Liz, anong sabi ni Madam?"
"Magkakaroon tayo ng audition para sa casting sa Sat, 10 am."
"Bakit naman? Sa Class A na lang pala sila kumuha?"
"Yun nga ayaw ni Madam. Gusto niya raw e fair sa lahat and gusto niya yung may potential talaga. Tara na nga."
"Kainis naman. Kala ko di na kailangan mag-audition e!"
"Ay! Ay! I'm so excited!" napatingin kami ni Liz kay Ria. Eto ang forte niya e, ang pag-arte. Dahil normal na maarte talaga siya. :D
"Naku. I hope ako yung maging bidang babae." -Ria
"Wag na ba mangarap. Hanggang extra ka lang." -Liz
"I hate you na talaga, Lizzie! Di na tayo best friends!"
"Hala? Asyumera ka. Hindi kita best friend noh! Si Aries best friend ko!"Kinuha ni Liz yung kamay ko at hinila ako.
"Oy! Kay Vintot na kaya yang si Aries! Mang-aagaw ka!"
"Sino si Vintot? O.o" tanong ni Allen.
"Ah, lalake ni Aries," binatukan ko si Carl.
"Otro! Anong lalake ka dyan?!"
"Aray ko naman. Joke lang. Best friend ni Aries."
"Ang weird naman ng pangalan niya. Vintot? Ang bantot," ngumiwi naman siya.
"WAHAHAHAHA!"
"Selos lang yan si Allen kasi may ibang close na lalaki kay Aries bukod sa kanya. :P" -Luke
"Kasi baka magka-something si Aries at Vintot." -Carl
"Gusto kasi ni Allen, siya lang." -Liz
"Sus, ang tanong dyan kung gusto din ba ni Aries na si Allen lang." -Ria
"Destiny, gusto mo ba ako lang?"
At feeling ko ang pula na ng mukha ko. Lenye tong mga kaibigan ko.
"Tumahimik nga kayo! May 'etchey' na yang si Allen noh. Diba, pare?"
"Aguy!"
Hala. Mga ewan.
"Anong feeling, bro?"
"Masakit ba? Di ko pa naeexperience yan e."
Ngumiti naman si Allen, "Masaya noh. Mahina tong kaibigan niyo e."
Tumawa naman sila. Anong pinag-uusapan nila? Bakit di ko ata ma-gets? O.o
--
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...