Chapter 16

5.2K 78 2
                                    

Allen's POV

Nakatingin lang ako kay Liz at Enzo habang nagtatalo silang dalawa.

"Gawin mo na lang kasi, Enzo! Hindi yan magagalit!"

"E kung mailang? Hindi na nga ako pinapansin nun tapos kakausapin ko pa, e mas maiilang yun!"

Tinulak ni Liz si Enzo palabas ng room. Amazona tong magkakaibigan na to.

"Aries!" sigaw ni Liz, "Gawin mo na kung ayaw mong makalbo."

Pumasok si Liz at narinig ko namang sumigaw si Destiny.

"Wow, Liz! Atapang a tao ah? Hahaha," asar ni Luke.

"Shut up," sabay cross arms. Mukha siyang matandang librarian. :P

"Wag mo asarin yan! PMS!" asar naman ni Arianne.

"Tigilan niyo nga ako, para kay Aries naman to e."

Tinignan namin si Enzo. Nawalan ba to ng kaluluwa at namutla bigla?

"Oh ano na?" lumapit kami sa kanya. Bigla naman siyang ngumiti at...

Niyakap ako.

"Oy pare! Di tayo talo! Wag mo naman akong pagnasaan!" sinusubukan kong kumawala mula sa pagkakayakap niya saken. Na-bading na ata sa'kin.

Binatukan ako bigla! Aba, nagkaroon na nga ng libreng yakap, babatukan pa ko?!"Ulul. Langya ka, gawin mo pa akong bakla," ngumiti naman siya, "Bumalik na siya sa dati!"

"Ohmaygashkelangannatingmagcelebrate!"

Anong sabi niya? La akong naintindihan.

"Thanks, Allen!"

"Thanks saan?" baket ang wi-weird ng mga tao ngayon?

"Thanks sa pang-aasar kay Aries!" tapos niyakap ako nina Liz at Ria.

"Ah? You're welcome? O.o"

"Oy! Chumachansing! Kami na lang!" Hinila naman nina Luke at Carl yung dalawa. Natawa naman ako. Mga seloso. :PLumabas na kami ng room para bumaba na. Asan na ba si Destiny? Ayun.. Anong sinisilip niya dun?

"Woi, Destiny!" napatingin naman siya agad sakin.

"Andyan na!" at tumakbo na siya papunta sakin.

***

Pagkatapos ng klase, nagdiretso kami dito sa office dahil may meeting kami dahil may match ang St. Denis laban sa St. Anne sa Saturday.

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon