Chapter 46

3.8K 59 0
                                    

Allen's POV

"Ang saya natin ngayon, parekoy ah?" bungad ni Enzo.

"Ganyan talaga. Na-miss ko kayo e," pumasok na kami sa room at nilagay ko na yung bag ko sa upuan.

New grading. New life. Wew. Sana masaya ang takbo ng magiging buhay ko. Naks, ang lalim.

"Ohayou gozaimasu, minna!" napatingin kami sa may pintuan. Aba, mukhang masaya rin yung tatlo ah.

"Naku, parang may bago sa inyo ah?" sabi ko.

"Ay napansin mo? Hahaha. See? Naka-headbands kaming tatlo! Pink na pink!" sabi ni Ria.

"Ayaw nga sana namin ni Aries e kaso mapilit to, kawawa naman kaya pinagbigyan na namin."

"Uy! Mukha ka ng girly-girl, Liz!" sabi ni Carl. Tama ba namang sabihan ng ganun girlfriend niya?

"And? Ikaw mukha ka pa ring tao."

Natawa na lang kami. Iba magpahayag ng pagmamahal tong dalawang to e.

*KRIIING*

Umupo na kami sa upuan namin. Syempre, katabi ko si Destiny. Sa left side naman, si Rick.

Pumasok naman si Sir Pelarta.

"Good morning, class!"

"Good morning, sir!"

"Kamusta na vacation?"

Kanya-kanya namang sagot mga kaklase namin.

"Okay. New quarter na tayo, second semester. At dahil dyan, may bago kayong kaklase." Bagong kaklase?

"Sir, diba thirty na kami? Thirty students ang maximum by class diba po?" sabi ni President John.

Tama nga naman siya. Yun yung sabi sa student handbook namin.

"Well, we cannot object. This is a request from the school's president."

Napatahimik naman ang klase. Napaka-VIP naman pala nitong bagong studyante.

Pumunta si Sir sa pintuan at binuksan ito. Wala naman akong pakialam dun sa new student kaya hindi ko na lang tinignan at kinalkal yung bag ko. Naghahanap ng ball-point pens.

"Hi. I'm Cassandra Lei Gayle Tan. Call me Cass. Please to meet you."

I froze at napatingala. Sht. Its Gayle.

Ariesselle's POV

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon