Chapter 55

3.6K 61 1
                                    

Ariesselle's POV

"By row na lang since 5 groups naman ang kailangan. Meet with your group now. Hurry up," pumalakpak pa siya para mas magmadali kami.

Agouch. Kapag minamalas ka nga naman sa groupmates. Napatingin ako sa mga ka-grupo ko. Haaaay.

Lumapit samin ang kabilang side. Naku, buti na lang ka-grupo ko si Enzo.

"Ayiss!" sabi ni Anna saka umupo sa katabing upuan ko. Buti na lang at may kasama pala akong babae dito.

"5th group, eto ang topic niyo," inabot ni Sir yung paper kay Cass at binigay naman ni Cass kay Allen. Wasus.

"Patingin ako," binigay ni Allen yung paper kay Anna.

"Ow. Since 7 sub-topic naman siya, isa-isa na lang tayo. Search kada sub-topic tapos magmeet na lang sa Saturday para magawa yung report," sabi ni Anna. Umandar nanaman ang pagka-leader niya.

"Edi since ikaw yung nag-suggest bakit di na lang sayo yung pinakamahabang sub-topic?" maarteng sabi ni Cass. Napatingin tuloy kami sa kanya.

"What?" sagot ni Anna sabay taas kilay. Etong dalawa pa naman to ang laging nag-iinisan dito sa room.

Hinawakan ko sa braso si Anna. Baka biglang sumugod e.

"Unfair naman yun kung ganun yung basis ng pagpili diba? Ang gawin natin, magbunutan kung ano yung sub-topic na gagawin natin," suggest ko. Tumango naman yung lahat maliban kay Cass.

"Okay," sabay roll eyes. Si Anna, nagpipigil pa.

Sinulat ko yung mga pangalan namin sa paper at pinasa kay sir habang sila naman, nagbunutan na dun. Mga to, di man lang ako hinintay.

Kinuha ko na yung last paper at ang napunta sa'kin? Yung pinakamaikli. Hohoho.

"Ngayon, kaninong bahay naman tayo? Close ang school pag Saturday," sabi ni Rick.

"Di pwede samin. Walang mag-aasikaso satin," sabi ni Enzo. May sariling unit na kasi yan.

"Samin di rin pwede dahil may darating na bisita samin," sabi ni Luie.

"Sam--"

"Since di pwede sa kanila and ayoko rin namang pumunta sa bahay niyong dalawa," sabay turo sa amin ni Anna, "And our house isn't available for you guys, I suggest kina Allen na lang tayo."

Walenye talaga. Ang gandang upakan netong Cass na to! As if naman gusto kong makatapak siya sa bahay namin! Argh!

"And you only consider kung anong gusto mo?!" sagot ni Anna. Maygash.

"Anna, ukie na yan. Okay, edi kina Allen," sabi ko with plastic na ngiti.

*KRIIING*

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon