Chapter 11

6.2K 101 1
                                    

Ariesselle's POV

Saturday. Maaga-aga akong nagising para maka-prepare na rin ako.

"Morning, Nanay."

"Morning. Anong oras darating mga kaibigan mo?"

"Sabi ko po sa kanila e, 9 am."

"Ganun ba. Oh, breakfast ka muna.."

Umupo na ako at kumain na. Hindi ako sanay na rice ang inaalmusal ko. Usually kasi, bread or noodles lang. Ang weird nga e, ako lang sa amin ang di kumakain ng rice.

Ng matapos na ko, inilagay ko na yung plate at glass ko sa sink. Naghugas ng kamay at toothbrush.

Nung finally uupo na ako sa couch, bigla namang may nagbuzzer.

"Nak! Paki-open!" sigaw ni Nanay galing kusina.

Lumabas ako ng bahay. Ang aga naman ata nila? Pagkabukas ko..."Aries!"

"Ate Loren!" I hugged her. Almost two months ko na rin siyang di nakikita.

"Pasok ka po." Pumasok kami sa loob ng bahay.

"Tulog pa si Aethan?"

"Tulog pa, Ate e."

"Grabe talaga yang kuya mo. Teka, I brought you guys muffins. Asan pala si Nanay?"

"Nasa kusina po."

"Sige, lagay ko muna sa fridge." Naglakad na siya papuntang kusina.

Si Ate Loren yun. Girlfriend ni Kuya Aethan. Sa totoo lang, bago ko pa makilala ng mabuti yang si Ate e akala ko talaga, siya yung maldita type. Yung mata niya kasi e, pang kontrabida talaga. Pero nung magkakilala na kami ng personal, kwela siya at mabait pa. Close na nga kami ni Ate e, kahit mag-7 months pa lang sila ni Kuya Aethan.Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha yung flute case ko sa loob ng closet ko. Matagal-tagal na rin akong di nakaka-play nito.

Dinala ko 'yung case sa baba. Dito ko na lang hihintayin ang mga tao. Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv. Nagstay lang ako sa Nick, Spongebob ang palabas e.

*buzzer*

Tumayo ako at lumabas, si Rein at Allen. Ang aga ng mga tao.

"Uy, pasok kayo."

"Wow, Destiny, ngayon lang kita nakitang nakapambahay! :D"

"Malamang lang, diba?" Pumasok na kami sa loob.

"Kumain na ba kayo? Gusto niyo kumain muna?"

"Huwag na, Aries. Kumain na ako.""Ako rin." Pinaupo ko na sila sa couch.

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon