Chapter 65

3.3K 53 0
                                    

Ariesselle's POV

2.55 pm.

Kakarating ko lang dito sa Zick's. Wala pa si Dylan. Umupo na ako tsaka naman lumapit yung waiter para ibigay yung menu.

"Lemon iced tea lang po muna. I'm waiting for someone."

"Okay, ma'am," he retreated.

Napatingin lang ako sa loob. Marami-rami namang mga tao ngayon. Andito kaya si Enzo?

"Hi."

Napatingin ako sa nagsalita. Andito na siya. Umupo na siya sa kaharap na chair.

Dumating na rin yung order ko tapos tinanong niya si Dylan pero hindi na muna siya nag-order.

Huminga siya ng malalim, "Happy Christmas and Happy New Year."

"Merry Christmas."

Awkward silence...

"Elle, thank you kasi andito ka. I'll explain everything. If you have questions, ask after kong mag-monologue."

"Okay."

"My name was Dylan Torres."

"Was?"

"Yes. I was Dylan Torres 10 years ago. Nakatira sa Batangas noon kasama ang lola ko. Nagkaroon ako ng kaibigan. Ariesselle Francisco ang pangalan niya. I was 8 and she was 6 when we met."

Napatulala ako. Isa lang naman yung naging kaibigan ko dun e. Si,

"Lanlan? You mean.. Ikaw si Lanlan?"

Ngumiti siya at tumango.

"What happened? Bakit nawala ka agad?"

Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Namatay si Lola nun at siya lang ang kamag-anak na meron ako. Dinala ako sa orphanage at dun ko nakilala si Rachelle."

Woah, woah. Ano raw? Kita niya ata ang puzzled look ko so he continued.

"We were orphans. Naging magkaibigan kami. Pero unlike me, bata pa lang siya e sa orphanage na siya lumaki. She hated her life there kaya nung may dumating na couples e siya yung napili. She was happy and promised she'll never look back again to her past.

"Naiwan ako dun. Hindi siya bumisita or what. Until may dumating na couple. They were my aunt and uncle. Pumunta sila dito sa Pinas galing England upon hearing the news. Kapatid ng Mama ko yung lalaki at dahil di sila magkaanak, they took me. They changed my name from Dylan Torres to Tristan Hythe."

Oh. My. Gosh. Parang hindi ata ma-digest ng utak ko yung nangyari.

"2 years ago, nakita ko ulit si Rachelle nung nagbakasyon sila sa London. Kung di pa ko nagpakilala, hindi niya pa ako makikilala. Nung natapos ko yung junior year ko dun, nagpalipat ako dito sa Pinas to continue my studies. At dun na rin kami mas nagkakilala ni Rachelle. Kinwento ka niya sakin. Ariesselle Neil Francisco. I told her I know you kaya sabi niya, lapitan kita para mawala yung atensyon mo kay Drew."

Napabukas-sara naman ang bibig ko. Napakawalanghiya niya naman! Why does she need to use Dylan against me?!

"Pumayag ako, oo. Pero not for pretence but because ayoko sa iba niya pa ipagawa. I thought this is a chance para mas makilala ko yung Elle ngayon. Lahat ng pinapakita ko, 'twas because I really cared. I really want to be a friend again."

Napatingin lang ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin yung big circles under his eyes and his hair... so messy.

"Pero, Elle, aside from that... I did that coz I want to please Rach. I like her," he breathed out.

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon