Ariesselle's POV
Papasok na ako sa main building ng may tumawag sa'kin.
"Aries!" Lumingon ako. Hala. Si Ate Mike.
"Hi, Ate Mike!" Ngumiti lang ako sa kanya at hinintay siyang makarating sa akin.
"Bakit ka nagquit sa Harmony?!" Yung Harmony na sinasabi ni Ate e parang music club dito sa school.
"Huh? Wala lang. Gusto ko lang magconcentrate sa studies ko." Sabay na kaming naglakad papasok ng building.
"Aries, kung tungkol lang naman kay Rachelle, wag mo ng isipin 'yun. Mawawalan kami ng magaling na member eh!" paakyat na kami ng stairs ngayon.
"Sus, Ate. As if naman kawalan talaga ako sa Harmony. At hindi naman si Rachelle yung dahilan kung bakit ako umalis dun." liar.
"Kung hindi siya, sino?"
"Sina Mommy. Late na raw kasi matapos ang practice at ayaw niyang late ako umuuwi."
"Sigurado ka ba dyan?"
"Opo. Gusto mo tawagan ko pa siya?"
She sighed, "Di na. Maniniwala na lang ako," tumingin siya saken, "mamimiss ko ang kakulitan mo sa practice.."
"Lol. Magkikita pa naman tayo, eh. Saka na tayo magkulitan." Nasa fourth floor na pala kami.
"Sige, Ate Mike. Dito na ako. Ba-bye na."
"Sige, see you around!" umakyat na siya at ako naman e naglakad na papasok ng room.
"Good morning!" masayang bati ko at naupo na sa seat ko.
Sa totoo lang, si Rachelle naman talaga ang dahilan. Siya yung 'star' ng Harmony. Lagi nga siyang nagso-solo eh. Minsan naiimbitahan para kumanta sa mga iba't ibang school-related occassions. Sikat siya dahil maganda boses niya at maganda rin siya.Kung si Rachelle ang dahilan ng pag-alis ko, siya rin yung dahilan kung bakit ako sumali. Nasa 8th grade ako nun nung nagsimula akong magka-crush kay Andrew. Since napapabalitang close sila ni Rachelle, pagka-freshman ko, sumali rin ako sa Harmony dahil idol ko nga si Rachelle. Pero ni minsan, di kame nakapag-usap na dalawa. Akala ko nga close lang sila, yun pala matagal ng sila. Tapos, nung kalagitnaan nung sophomore year niya, nag-migrate ang family niya sa Paris. Nagbreak sila ni Andrew at after 2 months, ako naman niligawan niya.
At ngayon, umalis ako doon dahil ayokong mapag-usapan kami. Ayoko rin namang magkaroon kami ng di pagkakaunawaan. Nung nalaman niya kasing may bagong girlfriend si Andrew, halos lumipad na pabalik dito sa bansa tapos bumalik ng FS.
"Uy." Napalingon ako nung may biglang nagtap sa balikat ko. Si Allen pala.
"Lalim ng iniisip. Di ka ba malulunod dyan?"
"Ewan ko sa'yo." Umupo na ako ng maayos. Ilang sandali na lang homeroom na.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...