Chapter 4: Engagement Party
Christy's POV
Augh! I can't sleep! This is all HIS fault. If I knew na ganun siyang klase ng lalake sana tinapon ‘ko nalang yung offer na yun! Crap! two days ahead at i-e-engaged na kami, pano? pano ‘ko siya haharapin eh sinampal ‘ko siya?!
Napasabunot nalang ako sa sarili ‘ko habang nakahiga sa kama ‘ko.
Tawagan ‘ko kaya si Carla? Kaya lang baka tulog na yun. 2:45 A.M. na. tss!
Pikit, pumikit ka Christine! May pasok ka pa mamaya.
AY SHIZZZ! wag na nga!
Tumayo ako sa kama ‘ko at lumabas ng kwarto ‘ko. bumaba ako sa kusina saka kumuha ng gatas sa ref, kumuha ako ng tasa saka isinalin ang Frozen milk na hawak ‘ko at inilagay sa microwave baka sakaling makatulog ako kapag uminom ako ng gatas.
Umupo ako sa may tabi ng mesa namin saka inantay na uminit yung gatas.
Biglang nag-flash sa utak ‘ko yung PDA nung dalawa dun sa resto. Shocks! Ano bang iniisip ‘ko?!
Dylan Collin huh? Pano kaya kung sa iisang bahay na kami nakatira? Tsk, tapos araw araw uuwi ng may dalang iba't ibang babae, teka, VIRGIN pa ba yun?
Sandal akong napa-isip. Ah! Ano ba'to! Napaka-corrupt naman ng utak ‘koooo!
PAKIPASLANG na nga po ako! please
Tumunog na ang microwave,sign na mainit na ang gatas na iinummin ‘ko.
Kinuha ‘ko na iyon saka umupo sa table. Inamoy ‘ko muna ang hawak ‘kong baso ng gatas, bakit ba nakasanayan ‘ko na eh saka humigop ng kaunti
*flashback*
"Tsk! Christine ano ba yan, ang lalim na ng eyebags mo? hindi ka ba natutulog ng maaga?"
Tanong sakin ni Jean habang nag-lalakad kami pauwi galing school.
"Hindi po kasi ako makatulog boss. May insomnia yata ako."
"Umiinom ka ba ng gatas? baka hindi?"
"Boss di po sanay si Christine ng ganun."
Ginulo niya yung buhok ‘ko sabay tumawa.
"Wag ka ngang gumamit ng Third Person! hindi ka naman bata eh! hindi ka cute gaya nila."
"Hinde?"
"Oo hinde," Napa-pout naman ako sa sinabi niya. asar naman eh! ano ba sa paningin niya ang cute? psh nakakatampo naman."Maganda ka ‘no kaya hindi ka cute,” Then he chuckled
Napahampas tuloy ako sa braso niya. kinilkilig ako eh.
*end*
Makaka-move on din ako sa inyo ni Monique,Jean antayin niyo lang.
9:00
"AAAAH!!” Sigaw ‘ko ng napakalakas.
Shiz! 9:00 na! 9:15 ang simula ng klase! Pagpunta palang doon 15 minutes na! Ay litseng gatas yan! Panira! Sana pala hindi nalang ako natulog!! patay talaga ako sa prof. namin nito!
Tumakbo ako papuntang bathroom saka mabilisang naligo. EXCUSE ME! kahit male-late na ako hindi ako yung tipong wisik wisik lang kapag naligo kadiri naman yun
Bumaba ako agad sabay sinalubong ako ng mga maids namin.
"Maa'm--"
"Wag ngayon, hindi na ako magbe-breakfast pakisabi kay Mommy umalis na ako, salamat."
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...