Chapter 46: They're back.

15.2K 290 5
                                    

Chapter 46: They’re back.

Christine’s POV

“Hi baby!”

Naramdaman ko nalang ang pagyakap ni mommy sakin. Nang matauhan ako, napahigpit na rin nag yakap ko sa kanya.

“Ma! Bakit hindi kayo nagpasabing uuwi na pala kayo?” Tanong naman ni Dylan na halatang gulat na gulat din.

“Surprise hijo, parang ayaw mo pa yata kaming nandito ah? Max yung anak mo oh!”

Natawa naman ako sa naging reaction ni Tita Michaela. Nakita ko ring lumabas si Tito Max galing kusina suot-suot pa ang apron na may panda print na design at may hawak na sandok.

“Bakit anong meron, magkaka-apo na ba ako?” Singit naman ni Tito Max na di parin mawala-wala ang ngiti sa labi.

“DAD!!” sigaw naman ni Dylan.

Bumitiw sa mga yakap ko si mommy saka kinarga si Chrislan.

“Saan niyo naman nakuha ang cute na cute na tutang ‘to?”

“Regalo siya sakin ni Dylan nung pasko, mommy. Ang cute niya ‘no?” Tanong ko habang hinihimas-himas ang leeg nito.

“Oo cute nga.”

Lumapit naman si Tita Michaela samin at tiningnan din si Chrislan.

“So, how’s your relationship after a year?” nakangiting tanong naman ni Tito Max habang papalapit sa amin.

Nilapitan naman ako ni Dylan saka hinawakan ang kamay ko.

“So far so good Dad.” Confident na sagot nito.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin at para lang maitago ang pamumula ng mukha ko iniyuko ko nalang ang ulo ko.

“Ano ba, halata naman sa kanila oh! Tingnan mo.” Hirit naman ni Tita Michaela.

“T-Tita nakakahiya po…” sabi ko naman.

“Don’t call me Tita, from now on you should call me mommy since you both are going to get married as soon as possible!”

Halata sa mukha ni Tita Michaela ang excitement. Para ngang mas excited pa siya kesa sakin kaya parang mas lalo akong nahihiya.

“O-Okay po, mommy.” Nakangiti ko na ring tugon kay Mommy Michaela.

“How’s my son? Nambabae pa rin ba? Ano playboy parin?”

Napatingin ako kay Dylan. Yes, nakita ko siyang nag-improve at sobrang laki ng improvement niya. Kaya lang naman kasi siya nagkaganon dahil pinaglaruan lang naman siya ni Monique. But now…mahirap mag-explain lalo na’t hindi ko alam kung ano nga bang dapat sabihin.

“No mommy, subukan lang po niya.”

Tumawa naman sila dahil sa sinabi ko.

“Handa na ang niluto ko, let’s eat.” Tawag naman samin ni uhhh…ano nga bang itatawag ko sa kanya? Tito o daddy? Ah basta!

Umupo kami isa-isa sa hapag. Kinuha ko ang kutsara sa tabi ng plato ko saka kumuha ng konting soup na nasa cup sa kabila ng plato ko.

Paghigop ko, napa-wow ako. Hindi ko alam na ganito kasarap mag-luto ang daddy ni Dylan. Hindi naman kasi halata sa mukha niya na marunong siya sa ganitong skill. Naiinggit tuloy ako.

“About the wedding dad, gusto kong kami mismo ni Christine ang mamimili ng theme.”

“Sure, no problem. Ako na ang kukuha ng pinakamagaling na wedding organizer at wedding planner para naman may katulong kayo.”

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon