Chapter 47: A birthday present
Warning: SPG
Third person’s POV
Tunog lang ng maiingay na bakal ang maririnig sa buong pasilyo ngunit kung magpapatuloy ka sa paglalakad, maririnig mo ang ingay ng mga babae sa loob ng isang selda. Nagsisigawan at nagtatawanan. May maririnig ka ring malakas na kalabog at malakas na paghiyaw ng isang babae.
“Please! Stop it!” Sigaw nito.
“Anong stop it stop it? HOY! Nasa kulungan ka at dito sa loob ng seldang ‘to kami ang nasusunod kaya wala kang magagawa!”
Isang malutong na sampal ang umalingawngaw sa loob ng kulungan.
Maya-maya pa ay nagsidatigan ang mga pulis para awatin ang gulong nangyayari. Pinagtutulungan si Monique sa loob ng kulungan at wala siyang magawa dahil hindi siya makalaban. Humahagugol siya habang yakap yakap ang sarili. Ginabayan siya ng ibang mga pulis at inilipat sa ibang selda kung saan walang mananakit sa kanya.
Nang tumigil siya sa pag-iyak. Naalala niya ang mga nangyari ng araw na iyon. Ang araw kung paanong namatay sa harap niya ang lalaking una at huli niyang minahal.
Napakuyom siya ng kamao at nagtagis ang mga ngipin sa galit. Sinisisi niya ang babaeng dahilan ng mga nangyari. Sinisisi niya sa Christine sa lahat ng nangyari na kung tutuusin ay ang sarili niya mismo ang dapat niyang sisihin.
Nanatili siyang ganoon hanggang sa may pulis na dumating at kinatok ang selda niya.
“May bisita ka, Villarin. Naghihintay siya sa labas. Tumayo ka na diyan.”
Agad naman siyang tumayo at inayos ng kaunti ang sarili. Halata sa katawan niya ang pambubugbog sa kanya ng mga kasamahan niya sa unang seldang pinasukan niya. Nagkaroon siya ng sugat sa gilid ng kanyang labi at pasa sa braso at binti.
Nang makarating siya sa visitors lounge, hindi niya naiwasan pang maiyak ng makita ang kuya Lee niya. Walang ano-anong niyakap niya ito at humgulgol ng iyak.
“Kuya…kuya ilabas mo na ako dito. Please kuya!” litaniya niya habang umiiyak.
“I am doing my best princess. Naka-usap ko na ang abogado mo pero hindi naging maganda ang tugon niya sa kaso mo.”
“A-Anong ibig mong sabihin kuya? H-Hindi ako makakawala rito? Ayoko! Ayokong habang buhay akong mabulok sa kulungang ‘to! Ayoko, please kuya, do something! Suhulan mo sila. Bayaran mo sila para pakawalan nila ako dito!”
Hindi agad nakapagsalita ang kuya niya.
“K-Kuya!”
“I already tried it pero dahil malakas ang ebidensiya, hindi ko magagawa ang hinihiling mo. Hindi natin sila masusuhulan.”
Napahagugol ng iyak si Monique pagkatapos marinig ang sinabi ng kuya niya. She felt hopeless. Hindi na niya alam ang gagawin.
“But our lawyer suggests you to…”
Hindi nito natuloy ang pagsasalita. Nagaalinlangan siyang sabihin ang tanging paraan na sa tingin niya ay makakapagpabawas sa paghihirap ng kapatid niya sa kulungang iyon.
“What? Ano?!” Marahas na tanong nito.
“Act like you are insane. Pretend that you’re crazy, that way, iisipin nila na wala ka sa katinuan ng ginawa mo iyon at pwedeng maibaba ang kaso mo.”
“WHAT?!” Hindi na napigilan pa ni Monique at ang sarili at napatayo na sa kanyang kinauupuan.
“This is the only way Monique, look at yourself; you have cuts and bruises all over your body. Ngayon lang kita nakitang ganito. Eto nalang ang natitirang paraan!”
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...