Chapter 55: Mistakes
Christine’s POV
Standing in front of him makes me nervous. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I didn’t expect him to come here this late. Nakatitig lang siya sakin, parang ang daming gustong sabihin ng mga mata niya. Ako ba dapat ang unang magsalita?
“We need to talk,” Sabi nito.
Mataman lang siyang nakatingin sakin. Napa-awang ng kaunti ang mga labi niya na para bang magsasalit ulit pero hindi iyon natuloy.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I can't even speak. Nangingibabaw ang takot sa sistema ko. Takot na baka masaktan nanaman ako sa mga sasabihin niya.
Ginulo niya ang blonde niyang buhok saka kinalas ang mga hikaw sa mag-kabilang tenga niya. Tinapon niya iyon saka mabilis na hinawakan ang mga kamay ko at hinila papalapit sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Dylan, ano ba.”
Napupumiglas ako sa mga yakap niya kahit na alam kong gusto ko ito. Sinasabi ng utak ko na itigil ko na ito pero mas nangingibabaw ang sinasabi ng puso ko.
“I’m sorry,” banayad na bulong nito sa tenga ko.
Matagal akong nakulong sa mga bisig niya. Kahit pa anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sabi nga ni Mommy, I’m just in love.
Tinulak ko siya na bahagya.
“If we are going to talk about what I saw back there, it’s okay. I understand. Nasaktan kita at alam kong naghahanap ka lang ng mapagbubuhusan ng nararamdaman mo…”
Nahinto ako sa pagsasalita. I bit my lower lip para hindi ako maiyak. Hinaplos niya ang buhok ko saka niya hinalikan ang noo ko.
“Let’s continue our relationship. Alam kong hindi naging maganda ang mga sinabi ko noong huli tayong nag-usap pero Christine, I didn’t mean to say those things. My emotions took over me. I’m so sorry.”
Napangiti ako. Is this the right time to tell him about me being pregnant? Maybe it is. Ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para bumalik sakin si Dylan kahit na itinataboy ko pa siya. What happened earlier is nothing. Yes, medyo masakit ang nakita ko pero hindi naman dahilan iyon para bumitiw nanaman ako ulit. Sampal lang naman pala ni Lenxi ang kailangan ko para matauhan ako.
Ngayon ko lang naisip na ako ang gumagawa ng pagpapahirap sa sarili ko, why should I let him go, just because my grandmother threatened me? No. Hindi na ako ulit bibitaw. I love Dylan and I want to be with him.
“Hey, magsalita ka naman. Christine, I want an answer from you. I know you still love me, I can feel it.”
“I’m so sorry, Dylan,” Sabi ko.
“W-What do you mean? Do you really want to end this huh?” Nagmamakaawang tanong nito.
“I’m sorry, sinaktan kita. At first I thought that if I broke up with you, everything will be fine but it’s not. Mas lalong gumulo ang lahat. Marami ang naapektuhan, nakalimutan kong may mga kaibigan pala tayong mas nasasaktan sa mga nangyayari sa’ting dalawa. Na-realize ko iyon ng sampalin ako ni Lenxi. Mapapatawad mo ba ako sa ginawa ko sa’yo?” Umiiyak na sabi ko. Inangat ko ang ulo ko para makita ko siya ng maayos.
“Kahit pa pa-ulit ulit mo akong saktan, hindi ko kayang magalit sa’yo. I’m so in love with you.”
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon mabilis niyang sinunggaban ang mga labi ko. Pumikit nalang ako at dinama ang mga halik niya sa labi ko.
“Christine…wake up.”
Narinig kong boses ng isang lalaki. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. I thought everything was real but then it’s not.
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...