Chapter 41: Heartaches
Lance’s POV
Nakasakay na kami ngayon sa taxi, buti na lang nung makarating kami sa dulo may na-tiyempuhan kami ng taxi.
Kanina pa tahimik si Luxielle. Sobrang na-gui-guilty ako sa ginawa o. Ang tanga ko kasi eh. Asaaaar.
“Lance.” Nag-salita na siya sa wakas.
“A-Ano yun? Kung galit ka sa sakin dahil sa ginawa ko sorry---“
“Yung sinabi mo kagabi sa tabing dagat…”
Bakit bigla akong kinabahan sa pag-o-open niya ng topic na yun?
“Ah…yun ba…bakit?”
“Naisip ko lang…bakit ng kulit kahit minsan sinabi ko ng ayaw ko?”
Nagulat ako ng tingnan niya ako sa mata. Bakit biglang uminit sa loob ng taxi samantalang air conditioned naman dito?
“Uhhh…kasi…kasi…ewan ko.”
Halata sa mukha niyang nagulat siya sa sinabi ko.
“Siguro kasi…hindi lang kita gusto kundi gustong gusto. Kusa akong lumalapit sayo kahit ipagtabuyan mo. Hindi man idikta ng utak ko yung mga ginagawa ko sayo, puso ko naman ang nagsasabing dapat kong gawin yun…”
Bigla siyang tumahimik nung sinabi ko yun. Umiwas pa siya ng tingin. Shete, nararamadaman kong namumula na yung mukha ko dahil sa pinagsasasabi ko. Hindi ko naman kasi expected na magtatanong si Luxielle ng tungkol dun eh.
“I’ll give you an honest answer Lance.”
Sh8t, bakit bigla nanaman akong kinabahan?
Nang tingnan ko siya, nakatingin lang siya sa labas.
“Hindi naman sa ayaw ko sayo oh ano Lance…sa totooo nga niyan, I like you…I really really like you..”
Ano ba ‘tong nakakakiliting feeling na ‘to. Shet, kinikilig na yata ako, ibig bang sabihin nito sinasagot na niya ako?
“But…not in a romantic way.”
*crack*
Biglang may nabasag sa loob loob ko after hearing those word. He likes me but not in a romantic way?
“O-Okay lang yun ano ba! We can still be friends hindi ba? Pero…hindi ko maipapangako sayong makakalimutan kita agad. To tell you the truth also, you’re the first woman I’ve ever love.’
Tumingin ako sa kanya. Nahihiya na ako tuloy pero nung makita ko siyang nakangiti at nakatingin rin sakin…biglang…may iba pa akong naramadaman.
“Oo..alam ko.” Sagot niya sakin.
Mommy, first time kong magtapat at first time kong na-basted.
***
“Sir, hanggang dito nalang po yung taxi, mukhang may kaguluhan po kasi sa unahan eh.”
Ha? Kaguluhan? Nung tumingin ako sa harap ng taxi, marami ngang tao sa tapat ng hotel kung saan kami nag-check in. Isa pa, merong makapal na usok kung saan nakatayo yun building ng hotel.
Hindi kaya---
“Nasusunog yung hotel Lance!”
Mabilis kong inabot kay manong yung bayad namin saka mabilis na bumaba at patakbong pumunta doon.
Ayos lang kaya sila?“Si Nathan? Sinong kasama ng kapatid ko?!”
Natatarantang tanong ni Luxielle sakin.
“Sandali huminahon ka, baka nasa labas na sila, huli kong natatandaan umalis sila kasama ni Nathan, mamamasyal daw sila.
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...