Chapter 53: Devastated.

12.9K 250 22
                                    

Chapter 53: Devastated.

Christine’s POV

3 days na akong hindi pumapasok. I don’t feel like going to school after what happened. Umiiyak lang ako ng umiiyak sa tuwing naalala ko ang nangyari. Mas masakit pa ang nangayaring ito kesa noon.

Hawak-hawak ko pa rin ang pulang box kung saan nakalagay ang wedding rings. Hindi ko makayang isipin na wala na sakin si Dylan. Niyakap ko ang unan ko at saka umiyak ulit. Why Is life being so unfair with me? Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan, bakit ba ang dami na lang sagabal at bakit…ang hina ko?

All want is to be happy. Gusto kong maging masaya kasama si Dylan pero bakit palagi na lang laging may hadlang?

Kakaiyak ko hindi ko namalayan na pumasok na pala si Mommy sa loob ng kwarto ko.

“Christine, nagdala ako ng tanghalian mo. Kumain ka na oh.”

Umupo si Mommy sa gilid ng kama ko saka inihanda ang mga dala niyang pagkain. Dahan-dahan akong umupo at pinunasan ang luha ko.

“Umiiyak ka nanaman? That’s not good for you anak. Ilang araw ka na ring hindi kumakain. Gusto mo bang magkasakit?”

Hindi na lang ako umimik at kumuha ng isang kutsarang kanin at isinubo iyon. I don’t feel like eating right now. Parang isinusuka ng katawan ko lahat ng kinakain ko.

“Anak, alagaan mo naman ang sarili mo.”

Hinaplos ni Mommy ang buhok ko. Bigla nanaman akong nakaramdam ng matinding lungkot at naiyak nanaman.

“M-Ma…bakit pa ba bumalik dito si Lola? Kaya lang ba siya bumalik para sirain kami? Gusto niya ba akong pahirapan dahil hanggang nagyon ayaw niya parin sakin?” Tanong ko.

“Wala na tayong magagawa Christine, hindi na natin mababago ang Lola mo at ako ang may kasalanan no’n. Kung sinunod ko sana siya noon, malamang hindi ka niya pahihirapan ng ganito. I’m so sorry baby.”

“Mommy, hindi ko na alam ang gagawin ko…nasasaktan ako dahil sa naging desisyon ko. Hindi naman ganito ang gusto ko eh…sobra sobrang pahirap na nito para sakin.”

Niyakap ko si Mommy dahil sa sobrang frustration.

“I’m sorry anak, wala akong magawa para sa iyo pero sana wag mo namang pabayaan ang sarili mo. Palagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako kahit ano bang maging desisyon mo. Alam ko ang nararamdaman mo ngayon dahil gaya mo, dumaan din ako sa sitwasyong kinalalagyan mo. Para sakin na lang…wag mo namang pabayaan ng husto ang sarili mo…anak, nag-aalala na ako sa’yo eh.”

“I’m sorry ma, I’m sorry.”

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Mommy’s right, hindi ko dapat pabayaan ang sarili ko. I need to stay strong for Mommy.

***

Malapit na ang midterm namin at kailangan ko ng mag-pasa ng mga requirements. Ayoko namang maging INC ang grade ko. Ayoko pa sanang pumasok dahil baka magkita kami ni Dylan. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag nagkita kami.

Napapansin ko na pinagbubulungan ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko pero hindi ko nalang masyadong iniintindi iyon. Mas nagiging dominant ang kabang nararamdaman ko sa tuwing hahakbang ako pa-abante dahil meron chance na magkita kami.

Sa di kalayuan, may naaninag akong pamilyar na built ng katawan. I know it’s him. Hindi ako pwedeg magkamali. Lalong bumibilis at lumalakas ang pag-tibok ng puso ko. Alam kong sakin lang siya nakatingin. Matalim ang mga tingin niya sakin kaya mas lalo akong natatakot. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin ngayong papalapit na siya ng papalapit sa direksiyon ko.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon