Chapter 29: ChrisLan

20.4K 329 12
                                    

Chapter 29: ChrisLan

Lenxi’s POV

Hindi parin ako umiimik sa kwarto ko. Ganun din naman si Baek. Pareho lang kaming na-upo pero walang sumusubok na mag-salita.

Binasag ko na ang kung ano mang katahimikang nangyayari sa pagitan namin. Walang mangyayari kung tatahimik lang ako dito.

“Baek.” Hingang malalim na sagot ko saka tiningnan siya mata sa mata. “Hindi mo binanggit sakin…yung tungkol sa kapatid mo.”

Nung tingnan ko siya, parang maluha-luha na ang hitsura niya. hindi ko naman siya pinapagalitan diba? Mukha tuloy na ako ang may kasalanan.

“Bakit ka ba umiiyak diyan?!” naiinis na tanong ko. Dapat nga ako yung umiiyak eh! Mukha tuloy akong nanay dito.

Pinunasan naman niya ang mukha niya saka huminga ng malalim.

“Kasi akala ko…may nangyari na sa’yong masama. I was really scared.”

Tumibok ng mabilis ang puso ko nung sinabi niya ang bagay na yun. Kung talagang nag-aalala siya sakin, dapat sinabi niya ang tungkol sa kapatid niya.

“Totoo bang kapatid mo yung babaeng kasama mo?”

“Yeah, kapatid ko siya. Hindi mo siya dapat pa-selosan Lenxi.”

Bigla akong nag-blush sa sinabi niya. OO. Nagselos talaga ako nun. Akala ko kasi, nambabae siya eh.

“Sorry.” Pag-a-apologize ko. “Hindi kita kinausap ng maayos nung nandun tayo, pina-iral ko ang emosyon ko. Hindi kita pinakinggan Baek. I’m really sorry.”

Niyakap naman niya ako saka hinaplos ang ulo ko.

“It’s okay Lenxi, kahit ganun ang nangyari…hindi ako bibitiw basta-basta. I love you Jagiya.”

Yakap na mahigpit lang ang naibigay kong sagot sa kanya dahil sa iba’t ibang emosyong nararamdaman ko.

Suddenly he kissed me. Passionately.

Para akong nalulunod sa ginagawa niya. Automatic na umikot ang kamay ko at hinaplos ang likod niya sumunod naman ang dibdib niya. I can feel his chest.

Ano ba’tong ginagawa ko? Bakit hindi ko kayang kumawala sa mga halik niya?

Tinulak niya ako ng mahina pahiga ng hospital bed ko. Himalang hindi ako nag-reklamo. Dito ba namin gagawin ang bagay na yun? Bakit? Bakit, ang hirap pigilan ng nararamdaman ko.

He started kissing my neck. nararamdaman kong gumagapang ang mga kamay niya pupunta sa likod ko at sinusubukang tanggalin ang suot ko, pero napahinto siya sa ginagawa niya at gulat na tumitig sakin.

“Bakit?”

Tanong ko.

“I’m sorry, We shouldn’t be doing this. Mali ‘to, sobrang mali.” Napahilamos siya ng mukha niya. ako naman naguguluhan. Ang hirap palang pigilan dahil kapag nag-simula na, mahirap ng kontrolin ang pag-sabog ng emosyon.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

“No, Jagiya, Don’t, ayoko ng ma-ulit ang nangyari, I wan’t to respect you.”

Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

“Niyayakap kita hindi dahil sa gusto kong gawin natin yun, I am hugging you because you controlled yourself at kinaya mong pigilan ang tawag ng pagka-lalake mo.”

Masuwerte ako kay Baek. Baliw nalang siguro kung iiwanan at pakakawalan ko pa ang kagaya niya.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon