Chapter 10: He's a gang Leader

30.2K 509 23
                                    

Chapter 10: He’s a gang Leader

***

Christine’s POV

“Anong gang ang pinagsasabi mo diyan?” nakataas ang kilay kong tanong kay Dylan.

“Retard. Hindi mo ba na-gets kung anong sinabi ko?” inis na tanong niya.

“Alam ‘ko, naintindihan ‘ko, hindi ako tanga at pwede ba, unang-una sa lahat, hindi ako ra=etard! Narinig mo?”

Halos pandilatan ‘ko siya habang sinasabi ‘ko iyon. Naasar ako sa kanya! He’s so stupid! Kani-kanina lang ang ayos ng pakikitungo niya, ngayon naman nagging g*go ulit siya.

“Whatever,” Umupo siya sa itim na leather couch saka dumekwatro. “Don’t make this hard for the both of us, Christine.” Seryosong sabi niya habang nakatitig sakin.

“H-Ha? Hindi kita maintindihan.Okay na diba? Naipakilala mo na sila kaya umalis na tayo please lang,” sinserong sabi ‘ko.

“Ano ba yan L.Q. agad.” Sabat naman ni lance. “ Wala kayong thrill na love birds.”

“For your information, hindi kami lovebirds dahil unang-una sa lahat, hindi kami ibon, tao kami. Pangalawa, hindi ‘ko gusto ang lalaking ito,” Dinuro-duro ko pa si Dylan dahil sa inis.

“Right, sa una lang yan,”  Balik na sabi ni lance.

“Oh guys? Hindi pa ba tayo magpapakilala sa fiancee ni Dylan?” sabi naman nung sando na parang may tapos may tatak na ‘Kai’ ang t-shirt niya sa gilid. Hindi kaya Kai ang name niya?

“Oo nga, sayang naman ang biglaang pagising naming,” sabi naman nung isa. May tatak na ‘Lay’ naman ang boxer niya sa gilid.  

Mabilis ‘kong tinakpan ang mga mata ‘ko nang mapagtanto ‘kong naka-boxer lang ang lalaking nasa harapn ‘ko.

“Ano ba! Mag-bihis ka nga Lay!” narinig ‘kong sigaw ni Lance mula sa malayo.

“Oo na!”

“Edi Sisimulan ko na ang pagpapakilala,” May lumapit na lalaki sakin saka yumuko in a formal way. “Ako nga pala si Chen,” Tapos ngumiti siya.

“BOO! Layas na diyan bugaw!” sabi naman nung iba. Natawa naman ako sa reaksiyon niya. Pameke niya kasing nginitian ang mga ito.

 “A-ako naman pala si Luhan…sorry sa pag-sigaw kanina,” Sabi niya tapos nag-bow sa harap ko habang dala-dala yung unan niya. Ang cute! Lalaki ba talaga ‘to? Parang hindi eh.

“Hi, ako naman si Lay,” sabi ni Kuya na kanina ay naka-boxer lang. Inilahad niya ang kamay niya para makipag-shake hands. Nag-aalangan akong hawakan ang kamay niya. Ewan ‘ko rinkung bakit eh.

“I’m Tao,” sabi naman nung parang may panda na print sa white shirt niya.

So ayun sunod na nag-pakilala sina Xuimin, Baekhyun, Kai pagkatapos ay sina D.O., Sehun at Chanyeol.

Nagtatawanan pa sila pagkatapos nilang mag-pakilala sa’kin. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Kasali ba talaga ‘tong mga ‘to sa isang gang? Para kasing ang inosente ng mga mukha nila. Hindi halatang basagulero.

“Alam ko iniisip mo, hindi mukhang basagulero yang mga mukhang yan,” Sabat naman ni lance nung napansing tahimik ako. “But believe me, mas malupit pa sa tigre ang mga yan sa bakbakan.” Mahinang sabi niya.

Bigla akong napatingin kay Dylan. Siya ba talaga ang leader nila? Yung maamong mukhang yan na nakakapag-pahina sa depensa ng mga babae? ‘Yang babaerong ‘yan. Parang hindi kapani-paniwala kung iisipin. Nakatingin ako sa kanya na puno ng awa. Napansin naman niya agad yun kaya kumunot ang noo niya.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon